Chapter 10

378 15 1
                                    

Joumelyn's POV

Kinaumagahan ginising ako ni mommy para mamalantsa daw ng uniform namin. At pag sinabi kong amin. Sa AKIN at kay JASON. Diba ang kapal lang ng mukha. Hindi daw kasi maalam si Jason na mamalantsa palibhasa'y may nagawa nito para sa kanya, eh kasi naman ayaw ni mommy ng may kasambahay. Para naman daw matuto kami sa gawaing bahay. Para daw pag may sari-sarili na kaming pamilya ay hindi kami patanga tanga.

Habang namamalantsa ako ay nakabusangot ang mukha ko. Dapat may bayad to eh, mamaya ka saking lalaki ka. Tapos na rin kaming mag umagahan. Palibhasa'y maaga kaming nagising. Maaga palang ginising. Sa kwarto ko na lang ako namalantsa. Ayoko ng live, nakakahiya. Baka sabihing mali yung way ko ng pamamalantsa ng damit. Sabagay hindi nga sila maalam mamalantsa ng damit diba, hindi na nila malalaman kung tama o mali yung ginagawa ko.

Hay sa wakas! Natapos din ako.

Lumabas na lang ako ng kwarto at hinanap si Jason sa baba kaso naliligo na daw at pinagdala pa ko ni mommy nung uniform sa kwartong tinutulugan nito at wag daw akong papasok hanggang hindi daw nagsasalita si Jason. Hindi na lang niya pinansin ang ina at tuluyan ng pumunta sa kwarto ng binata. Kumatok muna ko saka nagsalita

"Oy kumag, ito na yung uniform mo, ang kapal mo din 'no, ikaw na ngang pinatulog ikaw pang may taga malantsa, may utang ka na sakin oy, babayaran mo yun, ililibre mo ko-" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang pinakagwapong nilalang na nakilala ko.

*DUG*DUG*DUG*DUG*   ANG PUSO KO!!! ANYARE SAYO PUSO, BUHAY KA PA NAMAN DIBA?!!

Basa pa ang mga buhok at may mga tumutulo pang butil ng tubig sa katawan. Napalunok naman ako ng makitang walang itong damit at tanging towel lang ang nakasabit sa may bewang. Hindi ko na mabilang kung nakailang lunok na ako. Bumalik lang ako sa wisyo ng tumikhim sya at ng nagtaas ako ng tingin ay may nakakaloko itong mga ngisi sa labi.

"Kung hindi lang ako tumikhim tutulo na sana yung laway mo eh, anong say mo, matcho ba? Pogi ba?"
Tanong nito at hindi nawawala ang mga ngisi sa labi.

"Pogita kamo"sabi ko saka iniharang sa mukha nya yung uniform nya para hindi na nya makita yung mukha kong alam kong namumula na"yan tapos ko na. May utang ka na sakin at siguraduhin mo lang na mababayaran mo yun mamaya, ilibre mo na lang ako kahit ano, tatanggapin ko basta pagkain"sabi ko na lang, tinanggap naman nya agad yung uniform nya.

"Sakto katatapos ko lang maligo, bakit di ka pa naliligo, baka malate tayo nyan"sabi nya pa.

"FYI mister, namalantsa ako ng uniform natin, kaya manahimik ka na dyan"sabi ko at talanggang pinakadiinan yung isnag salita saka umalis.

Nagmadali naman ako sa pagligo at baka malate na ko. Pero hindi ko naman inaasahan na pagkadating ko sa salas ay nandoon pa rin si Jason. Anobg trip nanaman ba nitong hinayupak na 'to. Hindi ko na lang sya pinansin at hinanap si mommy at daddy para magpaalam. Kaagad namang sabi ni mom na isabay ko na daw si Jason pagpasok dahil wala itong dalang sasakyan at nag taxi lang kahapon kaya pala walang sasakyan akong napansin. Hinayaan ko na lang si Jason na makisabay sakin.

"Mukhang badtrip ako ngayong umaga ah"pabulong na sabi ko pagkalabas ng bahay at kasunod ko yung kumag.

"Nakakabadtrip na ba ang kagwapuhan ko?"sabat naman ni Jason.

"Hindi ka din mahangin ano?"sarkastiko kong sabi  sa kanya at pumasok na sa driver's seat at sya naman sa passenger seat.

"Totoo naman yung sinabi ko ah, naalala ko pa nga kanina halos tumulo na yung laway mo sa kagwapuhan ko eh"mayabang pang sabi nya.  Hindi ko nalang naman sya pinasin at pinaandar na ang sasakyan. Binilisan ko talaga para konting oras lang yung pagsamahan naming dalawa

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now