Chapter 16

273 15 2
                                    

Jason's POV

Halos lakad ng pagong ang ginawa kong pagpapatakbo sa sasakyan, palibhasa gusto ko pa syang makasama ng matagal. Halos batukan naman nya ko sa inis dahil sa gingawa ko, pero hindi ko naman sya pinakinggan.

"Sinabi ng bilisan mo eh, nagsisisi na kong inaya ka magdate"mataray at inis na sabi nya, imbis na mainis ay lalo akong napangisi.

"So this is a date, sabi mo kakain lang sa labas"halos hindi na makita ang mata ko sa laki ng ngiti. Agad naman syang napatingin sakin na para bang nagulat.

"Anong date? Wala akong sinabi"pagtatanggol nya sa sarili.

"Wow ah, halos wala pang isang minuto ng sinabi mo yun, ano ka 300 years old para makalimutan ng ganon kadali yung mga sinabi mo? Wow, just wow"namamangha kong tugon sa kanya.

"Bakit ko naman sasabihin yung salitang yun ng kasama ka eh may nanliligaw naman sakin, baka magselos pa yun kapag nalaman nya na lumabas tayong dalawa"sabi nya na nakatuon ang paningin sa daan, agad namang nagbago ang mood ko.

"Yaan mo na, hindi ko naman ipagkakalat sa lahat na lumabas tayo kung yun yung gusto mo, kung gusto wag na lang tayong tumuloy okay lang naman sakin"suggest ko, pero agad naman syang umiling at natuwa naman ako sa reaksyon nya.

"Wag na, nakakahiya naman, sayang lang yung gas. Pati malapit na din tayo"sabi nya ng hindi tumitingin sakin, muling nawala lahat ng emosyon sa mukha ko at mapait na napangisi, so inaalala nya lang yung gas! IBUHOS KO SAYO YUNG ISANG TANGKE NG GAS SA BAHAY EH, TAPOS SUNUGIN NA DIN KITA PARA MASAYA!

Binilisan ko na lang magapatakbo para naman makauwi kami ng maaga at madali katulad ng gusto nya. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang restaurant na pagmamay-ari isa sa mga kakilala. Tahimik lang kaming umorder at tumutok na lang ako sa cellphone ko habang nag-iintay ng pagkain.

Ng dumating na ang inorder namin agad akong kumain para lang maiwasang magsalita. Wala kaming ni isang salita na binabanggit, wala lang, para lang akong nakipagdate sa sarili ko hanggang sa tumunog yung cellphone nya. Nginitian naman nya ako ng napaka-cute at halos mawala yung pagkainis ko. Key word HALOS.

"Sasagutin ko la--"

"Sige na"pagpuputol ko sa sinabi nya.

Hindi naman sya umalis sa harap ko at sinagot yung tawag. Nakangiti nyang sinagot yung tawag.

"Hello!" Masayang bati nya.

"Hey, asan ka?"sagot naman nung kabilang linya at nabosesan ko naman agad kung sino yun. Si Zach.

"Ah nakain lang sa restaurant kasama ang isang kaibigan"sabi ni Jommy ng hindi tumitingin sakin. Kaibigan ka dyan, kung alam mo lang.

"Date tayo"sagot naman ni Zach."susunduin na lang kita, pag tapos na kayo nung kaibigan mong kumain"dagdag nya pa at napatigil naman ako saglit sa pagsubo pero saglit lang.

"Sige sige, itetext ko na lang sayo kung saan tayo pwedeng magkita"agad na pagpayag ni Jommy. Marami pa silang pinag-usapan, pero hindi na ako nakinig pa at inubos na lang yung pagkain. Nag-effort akong manghingi ng number nya tapos ganito lang yung isusukli nya sakin. Halos kagatin ako nung aso nila Mickel malaman lang yung kinginang number yun. Hinayupak eh.

Hindi naman nya inubos yung inorder nya, baka nagtitira ng space para sa date nila ni Zach.

"Hindi na ko sasaba-"

"Alam ko, napakinggan ko, sorry about that, kung gusto mo kasing walang makakinig sa inyo ng manliligaw mo, I suggest na pumunta ka sa cr o sa labas, mauna na ko, thanks"yun na lang yung sinabi ko at lumabas nya. Pagkalabas ko ay tinanaw ko ulit sya sa loob at nakita kong ganun pa din yung posisyon nya. Tsk.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now