Chapter 22

266 13 0
                                    

Jason's POV

"Wala"seryoso syang nakatingin sakin. Malakas akong bumuntong hininga at pinipigilan ang pagluha. Hindi. Hindi nya ako pwedeng makitang nasasaktan dahil sa kanya."may boyfriend na ko Jason, at ang huling gusto kong gawin sa kanya ay ang saktan sya, I hope you inderstand" dagdag nya pa at napatango-tango na lang ako. Ang shaket bes. Pwamis.

"Wag ako, you deserve someone who's better than me, beautiful than me and smarter than me"sabi nya pa at wala naman akong masabi. Ng hindi ako umimik ay tumayo sya. Napatingin naman ako sa likod at may napansin akong kakaiba.

"Hoy,may..... dumating na yung pulang tubig mo"sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Ano--ay punyeta. Kaya pala ganun na lang yung pagbabago ng mood ko"sabi nya sabay alis at ang kamay ay nasa may pwetan nya. Bahagya naman akong natawa na nauwi sa pagluha. Tsk ang shakit shakit bes. Pinky pwamis.

Bakit nga ba ako nandito?

Simple lang, pinilit ako ng punyemas kong mudra na pumunta dine at sabihin ko daw sa buhildang babaeng yun ang nararamdaman ko. Ito naman si papoging erpats ko todo sige. Sige sige, isayaw mo pa. Sige sige, sumabay ka na. Hanep. Sarap nilang pagbuhulin sa bubong ng bahay.

At ito pa pala, nandun din si Erwin kanina, kaya ganun na lang ang init ng ulo ko sa kanila. Wala naman si Charlie at natutulog sa kwarto ko, kahit anong tawag ko hindi ako marinig. Si Erwin, NAKU ang SARAP nyang IPALAPA sa BUWAYA, nakakapanggigil ang mga bunganga nila kanina kaya wala akong nagawa kundi ang sindin sila. At ayun ang kinalabasan.

Broken hearted si akes!

Sarap sa feeling!

Yung parang gusto mo na lang mapakatigok!!

Pagkadating ko naman dito, edi tinanong ako ni kuya kung ano daw ginagawa ko dito, kaya syenpre sinabi ko yung totoo, wala naman akong mapapala kung magsisinungaling ako, mapapapunta pa ko sa impyerno.

Howaw, good boy ka?

Nanatili naman akong nakaupo dun hanggang sa pagpasyahan kong umuwi na. Baka isipin pa nung mga nasa bahay namin, nagawa na kami ng kung ano anong kababalaghan. Alam nyo naman ang mga matatanda. Kasama mo lang sa daan sasabihin agad asawa na. Kulang na lang sabihin 'ay mare kabit nya yan' tsk. Mga tsismosa nga naman. Hang dhaming alham. Sarap pagpupukpukin ng dos por dos.

Nadatnan ko naman sila tita, tito ay kuya sa sala.

"Tito tita, mauna na ho ako"nginitian ko sila ng tipid.

"Mukhang hindi success ah, pasensya na hijo"sabi sakin ni tita.

"Ayos lang po yun hehe"tugon ko. Saka nagpaalam na.

Hinatid naman ako ni kuya sa labas ng bahay nila.

"Okay ka lang?"tanong nya at napatango naman ako."tsk alam ko ang sulusyon dyan, tara mag-inom sa inyo, saglit lang magpapaalam lang ako kila mommy baka balatan ako nun ng buhay pag nalaman nyang wala ako sa bahay at hindi nagpaalam sa kanya"sabi nya at hindi man lang inintay ang sasabihin ko. Tsk, ang bigat naman ng dibdib ko parang may nakadag-an na isang balyena.

Habang daan naman ay tinawagan ko si Erwin at sinabi sa kanya na mag-iinom kami at ang tokmol, hindi pala umalis ng bahay para lang malaman kung ano yung resulta ng pamimilit nila. Well the result is bad, very bad, very bery bad.

"Anak, yaan mo na, lilipas din yan. Hindi kita pipigilan kung gusto mong mag-inom, kahit na wala ka pang dise otso. Ganyan din naman ako dati"sabi sakin ni daddy ng makarating kami ni kuya sa bahay. Nandun na din si Erwin na may hawak na dalawang bote ng maiinom. Tumango na lang ako kila daddy at sinenyasan yung dalawa na dun kami sa may tree house.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now