Chapter 13

295 12 0
                                    

Joumelyn's POV

"Hoy kuya, tigilan mo nga yang pagkakalkal sa bag ko, baka kung ano pang mawala dyan, sisipain talaga kita, hindi na lang bumili ng sariling bag tapos yun yung kalkalin."pasigaw na sabi ko kay kuya. Kadadating ko lang sa bahay inagaw na agad nya yung bag ko at binuksan kala mo naman may pagkain.

"Oy flat, akin na lang tong chocolate mo, mukhang masarap"sabi naman nya.

Syempre masarap yan, chocolate eh.!!

"Tigil tigilan mo yan kuya, hindi para sayo yan, may pangalan yan"sabi ko saka nagmadaling kuhanin yung bag ko sa kanya.

"Bakit kanino ba galing yan?"biglang tanong nya.

"Sa manliligaw ko"mataray kong sabi at nakita ko naman kung pano naging seryoso ang mukha nya.

"At sino namang may sabi sayo na pwede kang magpaligaw, aber?"seryosong sabi nya.

"Bakit ba ayaw na ayaw nyo na makikita akong may kasamang lalaki? Yung dati kong boyfriend nakipag break ako dahil sabi nyo, sabi nyo pa papayagan nyo ko pag malaki na ko, malaki na naman ako ah"nakangusong sabi ko.

"Wag mo syang sagutin, magiging makasalanan ka"sabi nya at saka tumayo.

"Teka, kasalanan na ba ngayon yung pagbo-boyfriend?"takang tanong ko.

"Sa iba hindi, pero sayo,oo"sabi nya sabay punta ng kusina. Magsusumbong nanaman yun kila mommy.

Naaabno nanaman yung isang yun!

Palibhasa walang love life!

Bahala nga sya sa buhay nya!

Hindi ko na lang sya pinansin at pumunta na lang din ako sa kwarto ko.  Nakakatulong din naman yung panlikigaw ni Zach sakin para makilala namin yung isa't isa. May plano naman akong sagutin sya hindi nga lang ngayon. Lalo na kung tutol si kuya samin, hindi ko pa nga nasasabi yung pangalan tutol agad. Isa pa 'tong si Jason napaka pakealamero, hindi na lang pakealaman yung buhay nya. Tssss.

Nakaka-stress naman oh!

Magrereview na lang muna ko, tatawagin naman nila ko kapag kakain na. Lumipas ang kalahating oras panay ang buntong hininga ko,  nakakainis si sir, ba't kasi wala akong maintindihan. Babagsak yata ako nito bukas ah, yung project pa namin, nasan na kaya? Patay kami bukas pag wala yun. Baka naman na kay Jason, tama tama. Nandun yun sa jerk na yun.

Hayyyyyy, ano ba namang buhay to? Pwede bang i-fast forward yung nagtatrabaho na agad ako? Nakaka-stress maging istudyante.

Nakatulala lang ako sa kwarto ko kaya nung may tumawag syempre nagulat ako.

*****Zach Calling*****

"Hello, bakit ka napatawag?"tanong ko agad.

"Mangangamusta lang naman"

"Ayos lang naman ako, nag rereview ako eh"

"Kumain ka na ba?"tanong nya ulit. Ito ang taong hindi nauu usan ng tanong.

"Hindi pa, mamaya pa siguro kami kakain"sabi ko sabay buntong hininga. Bakit kasi tumawag tong lalaking to.

"Kumain ka mamaya ah, na miss kita"sabi nya. Napangiti naman ako.

"Halos wala pang tatlong oras tayong hindi magkasama miss mo na agad ako?"tanong ko.

"Oo naman, ikaw ba namiss mo ba ko?"

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now