Chapter 31

297 13 7
                                    

Joumelyn's POV

"WHAT THE HECK IS GOING ON?"sigaw ko sa mga taong nasa bahay pa namin. Ewan ko ba kung bakit ang daming tao eh kadadating lang naman namin galing Palawan. Parang may party eh. Ano 'to birthday ko? Next year pa birthday ko mga tol.

"WELCOME PARTY FOR OUR BABY AND HER HUSBAND"sabi ni mommy na nakangisi pa. Ano daw?

"Sino?"sabay naming tanong ni Jason, kagaya 'ko, wala din syang alam sa nangyayari.

"Kayong dalawa, sino pa ba?"tanong ni mommy samin at nawalan naman ako ng imik.

Kami? Mag-asawa?

Pati ba naman sila?

"Hindi ko sya husband mommy, ano ka ba"sabi ko.

"Talaga lang ah?"mapanuring tanong nya at napatango naman ako ng sunod sunod.

"Opo nanliligaw pa nga lang po sya eh"mabait ba sabi ko sa kanila para paniwalaan nila ako.

"Eh ano yun?"sabi nya sabay turo sa screen ng tv. Nanalaki naman ang mata ko at napaawang ang labi. HALA KA.

May picture na pinalabas sa tv. Yung unang una, yung hinalikan ako ni Jason sa garden nung naglalaro kami. Sumunod yung hinalikan ko sya sa pisngi nung naglalato din kami. Sumunod yung magkahawak kami ng kamay sa may amusement park, pati yung paghalik nya sakin sa daan. Tapos sumunod yung nasa Palawan na kami, laging magkaholding hands, tapos nakangiti sa isa't isa habang namamasyal.

Halos masamid naman ako sa sarili kong laway ng mag-play yung video na nangyari sa amin kahapon.

"There, wala ng ketchup"

Yun yung scene na dinilaan nya yung ketchup sa gilid ng labi ko.

Kitang kita ko kung pano namula yung mukha ko nung mga panahong yun. Lahat ng tao nakatingin lang sa tv at nakikinig. Natakpan ko naman ang mukha ko sa hiya, patuloy lang akong nakikinig dun sa video namin at nanlaki naman ang mata ko at inalis yung kamay ko na nakatakip sa mukha ko ng marinig yung pagkanta ni Jason ng freak me.

"-baby let me lick you up and down 'till you say stop-"

HALA KA.!!!

NAKAKAHIYA NAMAN!!!

Nagtawanan naman yung mga nanonood at naghiyawan ay yung iba ay sinabihan pa kami ng 'congrats'. Tiningnan ko naman si Jason at imibis na mahiya ay nakita ko ang pagkalaki-laki nyang ngisi na pinanood yung sarili nya sa video. Grabe para syang nanonood ng pelikula. Hanep, talaga lang ah.

Kinurot ko naman yung tagiliran nya at agad syang napalingon sakin.

"Hindi ka ba nahihiya na nakikita nila yang pangit mong mukha na kasama ang dyosang katulad ko sa tv?'bulong ko at tinaasan naman nya ako ng kilay.

"Aba ang hangin natin ngayon ah? Anong nakain mo?"natatawang tanong nya sakin. Inismiran ko lang sya at saka bumaling kay mommy.

"At sino naman ang kumuha ng mga yan? Ha? Hindi pa ba sapat na ipadala nyo kami sa lugar na yun ng kami lang dalawa ang magkakilala. Kelangan pa talaga mag hire ng spy ah. Wow, mommy, success yung plano mo ah"sarkastikong sabi ko kay mommy. Napangiti lang sya sakin at nag peace sign bago umalis sa harapan ko.

"Si Erwin yung kumuha ng mga litrato"biglang nagsalita si tita Marilou na mommy ni Jason.

"At anong kapalit?"agad na tanong ni Jason.

"Wala naman, gusto lang daw nya makapunta sa Palawan kaya sinama na namin sya sa inyo. Espiyahan nga lang kayo ang kapalit. Tapos alam nyo ba na sabay pa kayo sa eroplano? Im surprised! You didn't even noticed your best friend"nakangising paliwanag ni tita.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now