Chapter 3: Favor

46 2 0
                                    

CHRYSANTHEMUM

Jyll sent you a message

Halos mapatalon ako sa tuwa nang makita ang pangalan niya sa notification bar ng cellphone ko. It's Friday at ilang araw na rin mula no'ng huli siyang mag-text sa akin na bukas nga ang uwi niya. Sumandal ako sa swivel chair ko, as usual ay nandito ako sa Student Council Office dahil break time. Pinindot ko ang notification at lumabas ang chathead kung saan kita ang profile picture niya.

12:11

I have a little favor, Chrysa.

seen 12:12 pm

12:13

Ano?

seen 12:13 pm

Nakailang type at bura pa ako ng message, but I ended up with a single word. Ano bang nangyayari sa'yo, Chrysa? Relax, it's just Jyll.

Pwede bang kayo na lang nila Jhya ang sumundo sa akin bukas sa airport? My parents are busy.

seen 12:14

Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Wala ba silang family driver para doon na lang siya magpasundo? Bakit kailangan kami pa? Duh, ano kami alalay niya? Inutusan niya na nga akong asikasuhin ang papers niya para makapag-transfer dito tapos pati pagsundo sa airport sa akin niya pa iaasa? Aba, sobra na siya!

Sige, free naman siguro ang mga 'yon.

seen 12:15

Nahampas ko ang noo ko dahil sa kagagahan. Kung anu-anong naiisip kong kamalditahan tapos biglang sige? Naihamapas ko pa ang kamay ko sa desk ko dahil sa kabaliwan. My ghad, Chrysa!

"Oh, Pres, Masyado ka naman atang high blood diyan!" Bungad ni Marmyx nang pumasok sa pintuan ng opisina.

"Lunch is almost over, bakit ngayon ka lang pumunta dito?" I told him.

"Bakit, Pres? Masama na bang bisitahin ang office natin?" He has this tone that is always teasing. Well, palagi naman niyang gawain ang inisin ako. Natutuwa pa nga siya sa ginagawa niya dahil mababa ang temper ko. "Tsaka, nakalimutan ko kasi dito 'yong assignment natin sa Earth Sci," sambit pa nito bago may kinuha sa table niya na kaharap ng akin.

Ang SC office ay halos katulad ng mga faculty room. Although tatlo lang ang desk dito, one for the president, for the vice and the secretary. Ang natitirang space ay nilagyan ng mahabang mesa na napapalibutan ng mahabang upuan na napapatungan ng cushion.

Nang makuha niya ang assignment niya ay niyaya na rin niya akong lumabas at bumalik sa classroom. Tulad nina Jhya, Auri, Jyll, at Venom ay ka-klase rin namin si Marmyx ever since elementary. We never became that much close until this year as we became the president and the vice of the student council. Si Xe ay kaklase namin simula grade six dahil nag-transfer siya from the province.

"So, Pres, bakit parang bad trip ka kanina?" He asked me as we took the steps of the staircase leading to our classroom.

"Wala naman," I answered. Himala nang hindi niya ako inaasar ngayon. Siguro ay dahil napansin niya ang pagkainis ko kanina. Good thing about him is that he knows when to stop pissing me off, at 'yon ay kapag legit na badtrip ako. Although hindi naman ako bad trip ngayon, kinakabahan siguro? I don't know.

"Balita ko uuwi na si Jyll, ah? Naka-move on ka na ba do'n?" What I hate about the idea of Jyll and I's relationship back then was this, kapag tinatanong ako kung naka-move on na ba ako or what.

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Where stories live. Discover now