Chapter 19: A sorry and a flower

27 4 9
                                    

CHRYSANTHEMUM

"It's just the rain, na-miss ko lang na maligo sa ulan," pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung paano sumulpot si Gallego sa tabi ko. Nakaka-ewan din kasi wala naman nang saysay ang pagpayong niya sa akin dahil basang-basa na rin naman ako sa ulan.

"'Di mo ko maloloko, Jazz. Lokohin mo na ang sarili mo, 'wag lang ako," he said. Gusto kong matawa. Madalas din 'yang sinasabi sa akin ng mga best friends ko kapag sinasabi kong naka-move on na ako sa tuwing nagbibiruan kami. Well, tama naman. Kahit anong pagsisinungaling ko sa sarili ko ay lumalabas pa rin ang katotohanan.

"Pwede ka namang umiyak, Jazz. Anytime and anywhere, 'wag lang sa gitna ng gabi at habang nagpapabasa ka sa ulan. Saka hindi porque natatakpan ng ulan ang mga luha mo, eh hindi ka na umiiyak. Ah... alam kong walang kwenta ang mga sinasabi ko, pero ang akin lang ay magkakasakit ka," dire-diretsong sabi niya. Ngayon ko lang nakitang ganito si Marmyx. Madalas ay puro pang-aasar lang ang alam nito pero ngayon ay para siyang tatay ko na sinesermunan ako. Hindi ko tuloy maiwasang maalala si Auri sa mga ganiyang linyahan niya.

"Tara na, hatid na kita," sabi nito at hinawakan ang wrist ko at inakay ako sa paglalakad. Medyo nabigla ako dahil hindi talaga ako sanay na hawakan ng kahit sino ang palapulsuhan ko pero parang wala akong lakas para magreklamo ngayon.

Sinubukan niya akong hilahin pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Hindi ko alam pero hindi ko magawang gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Gusto kong maramdaman ang bawat pagtama ng patak ng ulan sa balat ko, tulad ng kung paanong gusto ko ulit maramdaman ang pagmamahal niya.

"Magkakasakit ka niyan, Jazz," seryosong sambit ni Gallego sa akin. Muli niyang hinila ang kamay ko at ngayon ay mas ginamitan niya ng pwersa kaya nahila niya ako.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Tanong pa nito sa akin habang akay-akay ako.

"Wala naman doon ang parents ko," sagot ko. Hindi ko gustong sumbatan ang mga magulang ko. Kaya lang, minsan ay parang sobra naman ang pagpapakasubsob nila sa trabaho at hindi na kami naaasikaso, ni hindi ko nga rin magawang magkuwento sa kanila ng mga bagay dahil kahit gustuhin ko ay wala naman sila.

"Let's use your car. Ibibilin ko na lang sa gwardya ang motor ko at bukas ko na babalikan," Gallego said. Hindi ako sumagot at nagpatangay na lang ako sa kaniya.

Tulala pa rin ako at nararamdaman ko pa rin ang pagtulo ng luha sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano bang iniiyak ko. Kung malalaman 'to ni Xe, for sure ay sesermunan na naman ako no'n.

"Si Jyll, 'di ba?" Tanong ni Gallego habang binubuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko. Paano'y kinulit niya ako na buksan na iyon.

"Ha?" Wala sa sariling sagot ko. Ang Gallego na kausap ko ngayon ay iba sa Gallego na palagi kong nakakasama. He seems so serious and he keeps on asking me kung okay lang ba ako or what. Mas nasanay na ako sa pangungulit niya.

Nang mabuksan ko ang pinto ng kotse ay kaagad akong sumakay sa driver's seat. Walang pakialam kung mababasa ang loob ng kotse ko. I'm soaking wet and I don't give a damn about it. My chest is too heavy and my mind is overloaded with thoughts to even think about it.

"Move," utos ni Gallego. Gusto kong itaas ang kilay ko kagaya ng palagi kong ginagawa. Gusto kong sabihing sino ba siya para utusan ako? Pero hindi ko magawa, umusog na lang ako at lumipat sa shotgun seat. Wala akong lakas. Paulit-ulit pa rin na sinasaksak ang puso ko ng mga eksena kanina.

Ang hindi pagpansin ni Jyll.

Ang pagsunod ko sa kaniya.

Ang pagbuhos ng ulan.

Ang pagtawag ko ng pangalan niya.

Ang hindi niya paglingon.

Ang pag-alis niya.

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Kde žijí příběhy. Začni objevovat