Chapter 32: Moves

21 3 8
                                    

CHRYSANTHEMUM

"Good moooooorniiiing!" Umaalingawngaw ang pagtunog ng kutsarang inihahampas sa kaldero ang bumungad sa akin ngayong umaga. Kinusut-kusot ko ang mata ko bago dumilat ng tuluyan.

Nakita ko si Jhya na nakatayo sa harap namin at may hawak ng kaldero at kutsara. Sinamaan ko siya ng tingin pero pinaghampas niya lang ulit ang dalawang utensils dahil hindi pa nagigising sina Auri at Xerox.

"Gosh, Jhya!" Reklamo ko dito matapos humikab. "Anong oras na ba?"

"As far as I remember, nagsabi kayo kahapon na may mga lakad kayo today. Pero ano 'to?" She said, pointing at the other two who are still sleeping.

"It's already 10 in the morning, my gosh! You said you have a meeting around 1 pm, si Auri din ay may pupuntahan ng 2 o' clock. Xerox, for goodness sake, my webinar daw siya around 9 am so she's already late. Isang oras ko na atang pinapatunog itong kaldero pero ngayon ka lang nagising," mahabang litanya nito na hindi ko na rin maintindihan dahil sa bilis niyang magsalita.

Pinatunog niya ulit ang ang mga bagay na hawak niya dahilan para biglang mapabangon si Auri sa higaan niya. Late na kaming nakatulog kagabi dahil kung anu-ano pang pinagkuwentuhan namin. Funny that Xerox was the one who needed to wake up the earliest but she's also the one with a lot of chickas which made us stay up late.

Si Auri, aba, tulog mantika pa rin. Ako ang naririndi sa pagpapatunog ni Jhya ng kaldero, e.

"'Late ka na sa webinar," I said as soon as Xerox opened her eyes.

"Anong oras na ba?" Humihikab pa na tanong nito.

"10 am," Jhya answered, wondering how to wake Auri up. "Buhusan ko na kaya 'to ng malamig na tubig?"

"Pucha? Hala, gago! Yari," pagpa-panic ni Xerox. Tumakbo siya papasok ng cr at naghilamos doon. Pagkalabas niya ay agad niyang kinuha ang laptop at hindi na siya nakausap pa.

Jhya and I looked at Auri who's still sleeping. Nagkatinginan kami at sabay na napataas-baa ng kilay. She nodded at me hudyat na daganan ko si Auri. Tumalon ako sa ibabaw nito and Jhya did the same after me. Napailing-iling na ang si Xerox sa kalokohan.

Auri groaned and started moving. Napahawak siya sa likod niya na dinaganan namin saka dumaing, "aray!"

"Ano ba 'yan! Ang pangit namang maki-sleepover dito nanggigising agad!" Reklamo nito aky Jhya na nakangisi lang.

"Excuse me? Sabi niyo gisingin ko kayo nang maaga?" Sabi ni Jhya habang nakapamewang. "Isa pa, I have somewhere to go by 3 so maybe you can go home now? 'Di ba ayaw mo nang maki-sleep over dito? Labhan mo 'yang unan ko na may laway mo, ha?" She sarcastically added.

"Ewan ko sa inyo," I said then stood up. Pumunta na ako sa cr para ayusin ang sarili ko.

Jhya went out of the room para maghanda ng almusal. Xerox was seriously looking at her laptop, the webinar is probably on going. Pasimpleng umupo ako sa tabi ni Auri na busy ngayon sa kaniyang cell phone. Sumilip ako para makita ang ginagawa niya, she's chatting with someone. A guy, specifically, based on its chathead.

"Kailan mo ipapakilala 'yan?" I asked to her. Bahagya siyang nagulat. Don't tell me hindi niya nararamdaman ang presence ko?

"Lol," she just said.

"Feeling artista ka, Beng?" I joked and she just shrugged off her shoulders sarcastically.

"Breakfast is ready," sabi ni Jhya nang bumalik ng kwarto. Lumabas naman ulit agad siya na sinundan namin.

Nang makarating sa kusina ay nakaayos na ang mga pagkain sa lamesa. May corned beef, sautéd potatoes, hotdog, bacon and egg tsaka fried rice. Nakalagay din sa mesa niya ang birthday cake niya na hindi pa ganoong nababawasan.

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Where stories live. Discover now