Chapter 39: Stars

20 3 0
                                    

MARMYX

I opened my eyes as I heard the numerous ringing of my phone. Kinusot ko ang mata ko at kaagad itong kinuha. Medyo nag-panic pa ako nang makita ang maraming missed calls ni Chrysa.

"Myx..." Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya. I have always seen Chrysa at her weakest point pero ito na ata ang pinaka-weak sa lahat ng weakest na 'yon.

Saksi ako sa kung paano siya magulat at humagulgol nang makita niya ang kapatid niya kanina. I know that she feels guilty kahit hindi naman niya kasalanan. Seeing her like that, though ayokong nasasaktan siya, makes me fall in love deeper. She isn't as selfish as she thinks she is. The moment she stayed by her sister and just listened to her without judgement, she's something. Something someone cannot let go.

"Miss mo ko?" I tried to lighten up the mood. Hindi ko kayang ganiyan lang kabigat ang nararamdaman niya. Naninibago pa ako dahil Myx na naman ang tawag niya sa akin, indicating the she's serious

"Sa'n ka?" She asked, her voice still sounds like earlier. Parang kagagaling na naman nito sa pag-iyak. Medyo nabahala na ako do'n kaya naman tuluyan na akong tumayo sa kama at naghilamos. Nakaipit ang phone ko sa pagitan ng ulo at balikat ko habang nagtu-toothbrush.

'Di ko rin alam kung bakit ako nagmamadaling magbihis. Pakiramdam ko ay kailangan ko siyang puntahan ngayon.

"Ikaw, nasaan ka?" Balik kong tanong sa kaniya. She was silent for a few seconds. I can hear engines around her at maingay ang paligid so baka nasa labas siya ng bahay.

"Just like the fireworks, everything exploded," she uttered before ending the call immediately. Wala man lang pasabi na ibaba niya ang tawag.

Ilang minuto ko pang pinag-isipan ang sinabi niya bago ko tuluyang nakuha ang punto. It must be really heavy for her. I got my keys at agad ring lumabas ng condo ko.

Nagmamadali akong naglakad sa hallway. Sigurado naman akong walang gagawing masama si Chrysa, pero gusto ko pa ring makasiguro na ayos lang siya. I pushed the elevator button for a few times dahil hindi ako mapakali. Nang bumukas ito ay nakita ko si Jyll na maraming bitbit na groceries ata. He greeted me and I just nodded at him since wala na akong oras at kailangan ko nang puntahan si Chrysa dahil alas nuwebe na ng gabi.

The elevator door was about to close when he pressed a button, "Myx?"

"Oh?" I didn't mean to sound irritated pero iyon ata ang naging dating dahil nanlaki ang mata niya. "Sorry, nagmamadali kasi ako. Next time na lang tayo mag-usap." Tumango siya saka hinayaang magsara ang pinto. I felt guilty pero si Chrysa ang priority ko ngayon.

Wala na akong inaksayang oras nang makarating sa parking lot. Agad akong sumakay sa motor ko at pinaharurot ito. Chrysa didn't say that I needed to go and she also didn't mention where she was, but I know for sure that she needed me. Sometimes, deep explanations aren't needed for you to understand someone; it's sympathy, love and compassion that are enough to see it through.

I stopped my motorcycle in a familiar place. Walang tao ngayon dahil weekday at gabi na. Malawak na damuhan ang makikita mo at mga punong naiilawan ng fairy lights. The moment she said fireworks, itong lugar kaagad ang naisip ko. Hindi naman ako nagkamali dahil natanaw ko siyang nakaupo sa ilalim ng isa sa mga puno doon. She is hugging her knee while looking into the night sky. I can see confusion, longing and guilt in her eyes.

Kumuha ako ng mat sa motor ko at agad na naglakad papunta sa kaniya. I sat beside her then hugged her immediately. I just felt like she needed it. She has been too strong for the past years, it's time for her to let go of her inner weakness.

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon