Chapter 24: Ball (Confirmation)

18 2 6
                                    

CHRYSANTHEMUM

"You should thank me," Gallego said as soon as I went out of the back stage. Inirapan ko lang siya. "Hindi gagalaw 'yon si Jyll kung 'di ako nag-bid ng malaki!" Proud na sabi pa nito. Hindi ko siya pinansin bagkus ay lumapit na lang ako sa buffet table at pumila. Hindi ko alam ang kung anong trip niya pero nakasunod lang siya sa akin.

"Akala mo siguro gagastos talaga ako ng 100,000 'no?" Natatawang tanong niya sa akin. "3 months allowance ko na 'yon, 'no!"

"Ang daldal mo, Gallego." Sabi ko saka kumuha ng isang maliit na puto at pinasak sa bunganga niyang panay pa rin ang pagsasalita.

"Ang brutal mo!" He said as he try to chew and swallow the food in his mouth. Ang dugyot lang kasi may nalalaglag pa sa bunganga niya.

"Ano bang trip mo kasi kanina?" Inis kong tanong sa kaniya. "Gumawa ka pa ng eksena."

"Gusto ko lang sanang magsayang ng pera para asarin ka," napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. So, tama ang hinala ko kanina? "You know, madami masyado, eh." He shrugged as if it's a small thing. He sounded like bragging.

"Ang yabang mo," sabi ko saka kumuha ng plato at naglagay ng pagkain dito.

Hindi na nagsalita ulit si Gallego which is a good thing. Peaceful ko lang na pinaglalagay sa plato ko ang lahat ng pagkaing magustuhan ko. We didn't limit the food para sulit ang entrance nila. Isa pa, medyo malaki ang kinita ng auction kanina.

"Kaya ka tumataba, eh." He commented when we're done getting our food. Naglalakad na kami ngayon papalapit sa table kung nasaan sina Jyll at ang iba pa.

"So?" Mataray kong tugon. Itinaas ko pa ang kilay ko.

"Wala kain ka lang, sabi ko nga shut up na ako," he said. Itinikom niya pa ang bibig niya ng todo at pinakita sa akin.

The music is still playing but everyone's busy getting food and eating. I sat on my chair as soon as we reached our table. Wala doon si Jyll that's why I got curious. Simula noong nilayasan ko sila ni Zaine kanina ay hindi na kami nag-usap.

"Jam, nasaan si Jyll?" I asked. Bakante kasi ang upuan sa tabi ko kung saan siya nakapwesto. Nakita ko kasi siyang nakaupo kanina dito.

"Uy, hanap agad! May one hour moment naman kayo mamaya, e. 'Wag kang atat, Pres." Pang-aasar ni Jamea. Tinarayan ko lang siya kaya nag-peace sign siya. "Nag-cr ata, Pres."

Tumangu-tango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. The others are talking about stuff while eating. Ako naman ay ninanamnam lang ang pagkain hanggang sa bumalik si Jyll na may dala na ring pagkain. Muntik na akong mabulunan.

"Round 2, Jazz?" Asar ni Gallego nang maubos ko ang pagkain na nasa plato na ikinatuwa naman ng mga kasama namin sa table. Inirapan ko na lang siya at saka kinuha ang phone ko sa pouch at nag-scroll sa facebook.

"Anong plano niyong gawin sa one hour niyo, Jyll at Chrysa?" Tanong ni Mad. Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong cellophone dahil doon.

"Secret," Jyll said.

"Hoy, bawal ano ha!" Jam said, sounding malicious.

"Ano?" Kunyari ay clueless kong tanong.

"Ano-- wala, enjoy niyo na lang moment niyo baka 'yon na pala ang daan ng comeback niyo," nasamid naman si Gallego na nasa tabi ko dahil doon. Uh, people are acting weird or inaasar na naman ako nitong si Gallego?

"Are you guys done eating?" Tanong ng emcee. Most of the students answered yes.

"Very well, it's time to party!" Matapos niyang sabihin 'yon, tumugtog ang isang upbeat music which made the students and my co-officers stood up from their seat and started dancing. Hindi ba uso sa kanila ang nagpahindag?

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Where stories live. Discover now