Chapter 6: Smells fishy

40 3 6
                                    

CHRYSANTHEMUM

"Good morning, Pres!"

"Hi, Pres!

"Good Morning, Miss President!"

"Hello, pressy!"

Nakabusangot akong pumasok sa gate ng school matapos i-swipe ang I.D ko. Halos lahat ng makasalubong ko ay nakangiti sa akin at bumabati. Para hindi maging rude, tinatanguan ko na lang sila. Hindi ko magawang ngumiti dahil kay aga-aga at lunes na lunes ay ininis na naman ako ng kapatid kong bruha.

I have a short string of patience. Kaunting asar lang ay napipikon na ako. Lalo na kapag ang tungkol sa amin noon ni Jyll ang gagamitin mong alas sa akin. And yes, my sister is one of those persons na kuhang kuha ang mga bagay na ikasisira ng araw ko.

Nagmadali akong umakyat sa building ng mga ABM students at umakyat sa 3rd floor. I stopped in front of a door labeled as 302. I entered it and went to my chair on the middle part. Padabog kong inilapag ang bag ko at saka umupo.

"Aga-aga, badtrip?" Tanong ni Zaine na nagba-browse ng notes niya. "Kumusta pagsundo kay Jyll no'ng sabado?"

I kinda expected her intriguing me about what happened last Saturday. Probably Jyll has told her about it already pero pinagti-trip-an niya ako. Knowing her, hindi malabo ang posibilidad na nasa utak ko.

"Why can't you answer?" Dagdag pa nito at tuluyan nang isinara ang notebook niya at humarap sa akin. "Balita ko kasi ay hinatid mo pa siya hanggang sa condo niya, eh." Nakangisi ito sa akin. Why can't people just mind their own businesses? Trip ba talaga ng mundo na asarin ako?

"Can you just shut up, Zaine?" Nakataas ang kilay kong tanong dito. Isa si Zaine sa mga nakakatiis ng pagsusungit ko. Para siyang girl counterpart ni Marmyx dahil parang tuwang-tuwa sila na inisin ako.

"Yo, Pres!" Speaking of the devil. Marmyx rushed to me as he was catching his breath. Problema ba nito?

"Why?" Tanong ko dito.

"Wala lang, haha!" Tumawa pa ito. Literal na dalawa lang ang tawa niya kaya ang weird pakinggan. "Baka kasi na-miss mo na agad ako."

"Asa ka, Dude! Akala ko nakipagkarera ka na sa kung sino at ako ang finish line niyo." Nag-cross arms pa ako para sindakin siya. Nagpakapagod pa siya sa pagtakbo for nothing. Tinawanan lang naman ako nito instead na umalis.

"Line lang," he answered. I can sense that he's gonna throw a joke or something based on his face. "Wala ka kasing ka-curve curve, eh." Oh, nagsisimula na naman siya sa mga corny niyang pang-aasar. Inirapan ko na lang siya at kinuha ang phone ko at nag-browse sa facebook since 15 minutes pa naman bago dumating ang teacher namin para sa first sub.

Nakatunog ata ang mokong na wala akong interes sa mga jokes at pang-aasar niya kaya bumalik na siya sa upuan niya. Si Zaine naman ay nanahimik na rin at nag-review dahil may quiz kami mamaya.

Maya-maya ay dumating na rin naman ang teacher namin.

"Chrysa, lunch na tayo!" Malakas na sigaw ni Zaine. Tingnan mo 'to, katabi ko lang pero kung makasigaw ay parang isang kilometro ang layo namin sa isa't isa.

"You can go first, I have to finish this," I responded. Ginagawa ko na kasi ang assignment namin sa General Mathematics para hindi ko na kailangang gawin sa bahay.

"Grabe, sipag talaga ni Pres!" Kantiyaw pa nito. "Kung ayaw mo, una na ako sa cafeteria, ha? Magwa-wafu hunting muna ako!" Matapos niyang sabihin 'yon ay masigla siyang lumabas ng classroom.

Maya-maya ay lumapit naman sa akin si Marmyx na nakangiti ng malapad, "'di ka tatambay sa office, Jazz?" Argh! He's back at calling me Jazz. Wala bang preno ang pang-iinis niya sa akin?

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Där berättelser lever. Upptäck nu