Chapter 7: Meeting

37 3 6
                                    

CHRYSANTHEMUM

"Anong brand at flavor ng lip balm mo?" Feeling ko ay napanganga ako sa tinuran niya.

Natulala akong nakatitig sa kaniya. Sino ba namang mag-e-expect na tatanungin ka ng ex mo tungkol sa lip balm mo 'di ba? Like, hello! Kung makatitig siya akala mo kung anong seryosong bagay ang sasabihin niya. Or is it my fault kasi nag-assume ako na about man lang 'yon sa relasyon naming dalawa?

I mean, malay ko bang tungkol 'yon sa lip balm ko! Really, napansin niya 'yon? I chose the most natural color para dito dahil hindi naman ako mahilig sa agaw-atensiyon na kulay.

"Hey," napabalik ako sa ulirat nang kalabitin niya ako. Shit, why am I spacing out? "Nagulat ka sa tanong ko 'no?" Tumawa-tawa pa ito na parang hindi naman big deal sa kaniya iyon.

"Ah..." I don't know what to say. Ewan ko kung bakit ako ang nahihiya sa tanong niya. Iko-confirm na ba niya sa akin ang mga sabi-sabi? Legit ba talaga ang tsismis?

"Napansin ko kasi na ngayon ka lang gumamit ng ganiyan," he said. Siguro ay napansin niya ang pagkailang ko. "'Di ka naman nagamit niyan dati, eh." Palusot lang ba 'to or ano?

"Ah, yes. Madalas kasing dry ang lips ko kaya gumamit ako nito para ma-moisturize," I answered then smiled awkwardly.

"Tsaka, I'm planning to buy my sister a lip balm kasi." Oh, kaya naman pala. Ano ba naman kasing iniisip mo, Chrysa? Na juding talaga ang ex mo? Oh, please! "You know, feeling ko kasi bagay din sa kaniya 'yan kaya tinanong ko. "

Napatangu-tango na lang ako sa sinabi niya. I really thought na mapupunta 'tong usapan na 'to sa kung ano mang issue sa kaniya. I don't know pero nakahinga ako nang maluwag nang malamang para pala sa kapatid niya kaya ito nagtanong.

I checked my watch to know what time it is. Para kasing nalibang kami sa pag-uusap. When I had a glance on it, nakita kong 10 minutes na lang bago matapos ang lunch break.

"Tara na," Inilagay ko ang lahat ng ginamit naming utensils sa tray at binibit ito pabalik sa counter. Pagkatapos ay lumabas na rin kami sa cafeteria.

Habang pabalik sa SHS department ay napapansin ko ang ilang beses na pagsulyap niya sa mukha ko. May dumi ba 'to?

"Any problem?" I asked him dahil naiilang ako. Umiling lang ito at dumiretso na sa paglalakad.

"Samahan mo ko sa mall this weekend," he said when we reached the department. Kailangan kasi naming maghiwalay dahil magkaiba ang building ng HUMSS at ABM. "I really wanted that shade..." He paused for a second, "for my sister."

Tumango na lang ako at umakyat nang muli sa classroom ko.

"Misha, can you check the suggestion box para sa requests ng students?" I said as I swivel my chair. Nasa pinakagitna ako ng mahabang table namin. We are having our weekly meeting during Wednesdays and today's one of those.

"Yes, Pressy!" Sumaludo ito sa akin at lumabas ng office para tingnan ang parang mail box namin doon na pinaglalagyan ng requests.

"So, masyado nang tahimik ang Council kaya kailangan nating gumawa ng pakulo," I said while Misha's still outside. "We need to conduct an activity or any—" I didn't finish my sentence when Misha entered the room again holding some pieces of papers.

Lumapit ito sa akin at iniabot iyon, "Thanks, Misha."

"As I was saying, kailangan nating mag-conduct ng activity for the month of December. Since the Social Science club conducted the event for the United Nations," I explained to them. Isa-isa kong tiningan ang mga papel na may requests. Halos puro kabulastugan lang naman ito. Ang iba'y may pa-love letter pa para sa isang member ng Council. May isa pa ngang I love you, Pres ang nakalagay.

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin