Chapter 28: Marmyx (Side Character)

17 2 4
                                    

MARMYX

"Gallego, mag-stay ka lang dito?" Tanong ni Chrysa habang inaayos ang mga gamit niya. Nasa office kami ngayon at inaasikaso ang COC ng mga kandidato.

"Oo, magdadala ako ng babae dito," biro ko sa kaniya. She frowned and then gave a death glare. Akala mo naman magseselos siya.

"Pakboy ka ba?" Asik niya sa akin.

"Sus, selos ka lang!" Mas lalo niya akong sinamaan ng tingin kaya nag-peace sign ako sa kaniya, "Joke lang, Jazz! Sa'yo lang ako, yieee." Kunwaring biro ko. Kunwari lang kasi totoo naman.

"Ewan ko sa'yo, Gallego," masungit na saad nito saka isinukbit ang bag niya. "Uuwi na ako, here's the COC's. Ikaw na ang bahala kung may hahabol, okay?" I said. Nag-salute ako sa kaniya bago siya tuluyang lumabas ng classroom.

I just stayed there, smiling from ear to ear. Hindi ko alam pero masaya na ako sa mga ganoong pag-uusap namin ni Chrysa. Lalo na kapag napipikon ko siya. I even have some stolen shots of her with a frown in her face. Don't get me wrong, 'di naman ako creepy stalker.

Maya-maya, may kumatok sa classroom and I was surprised that it was Jyll.

"Si Chrysa ba ang hanap mo, p're?" Tanong ko dito kaya kumunot ang noo niya.

"Wala ba siya dito?" He asked. Luminga-linga siya paligid. Kung si Chrysa ako, kanina pa ako nagtaray dahil obvious namang wala si Chrysa dito.

"Nakita mo ba?" Pilosopo kong sagot sa kaniya. Jyll and I wasn't really close even back then. Nag-uusap naman kami kahit papaano pero mas madalas kong kasama sina Venom noon kaysa sa kaniya.

"Good," he whispered but I heard it. May inabot siya sa aking papel. Hindi na ako nagulat nang makitang COC iyon. Tinanggap ko naman iyon agad. "Alis na ako," he said at tinalikuran na ako.

"Jyll," tawag ko hindi pa man siya nakakahakbang. "Do you still like Chrysa?"

"Gusto mo ba siya?" Tanong niya pabalik. Aba, siya ang tinatanong ko kaya ako ang sagutin niya hindi 'yong tatanungin niya ulit ako. Hindi naman masasagot ng tanong ang isa pang tanong.

"I'm the one who asked the question, dude," cool na sabi ko.

"I chose not to answer your question. Good day, Myx." He said then went out of the office immediately.

"Uy, nginitian," biro ko nang tingnan siya ni Jyll. Akala ko nga no'ng una ay sa akin ito nakatingin pero kay Chrysa pala talaga. Ngayon ang campaign at kasalukuyang si Jyll ang nasa harapan.

"Shut up, Gallego," masungit na saad nito saka tiningnan lang ako ng walang emosyon. Psh, kunyari 'di kinikilig.

"So guys, you probably know the reason why I'm here," Jyll said. "It's because I want to appeal on you to vote for me to be the secretary of the council. Hindi ako naghanda ng speech or anything catchy para sa inyo. Ayaw ko kayong bigyan ng mabulaklak na salita or whatsoever tulad ng ginawa ng mga nauna. Promises are meant to be broken, so I won't give myself something to break." Weh? Wala kang pangako kay Chrysa na binali?

"Pero para challenging, I brought a thing that will help us in identifying the truth beyond things."

Salita lang siya nang salita doon habang nakikinig naman ako at paminsan-minsa'y sumusulyap kay Chrysa. She's always uneasy whenever Jyll's around. Ako naman, I feel intimidated when she's near pero siyempre hindi dapat pinapahalata. Mas gusto kong pasikreto siyang gustuhin kaysa iwasan niya ako.

"So guys, we're gonna play a game," Jyll explained. "I'll be answering your questions. You can ask about my platforms or anything about my candidacy. Pwede ring personal pero 'wag over ha?"

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Where stories live. Discover now