Chapter 27: Marmyx (Bittersweet)

20 2 4
                                    

MARMYX

"Alam mo, Gallego, namumuro ka na sa akin," naiinis na sabi ni Chrysa habang paakyat kami ng HUMSS building kung nasaan ang classroom ni Jyll. Ako ang nagpasimuno na dito kami ma-assign dahil gusto kong inisin si Chrysa. Pakiramdam ko nga ay nagsisisi akong ginawa ko 'yon dahil ako ang magiging dahilan kung bakit magkikita sila. Well, one reason is that I wanted to know if Jyll has still the same feelings for her. Kasi kung mayroon, back off na ako.

"Alam ko, Pres!" I laughed. "Cute mo." Pinisil ko NG pisngi niya which made her stomp her feet. Napapiksi nga lang ako nang hawakan niya ang kamay ko. The moment she touched my hand, parang nagwala ang lahat ng cells ko sa katawan. Kinikilig na ako sa loob-loob ko nang bigla niyang hinila ang kamay ko at pinipilit. I groaned in pain.

"Suko na ko, Pres! A-aray!" I plead, kahit ang totoo ay wala na akong pakialam kung mabali ang buto ko basta hawakan niya na lang ako, pero binitawan niya ako agad at nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakit lagi kang may regla, Pres?" Pang-aasar kong muli nang makabawi na ako sa paghila niya sa braso ko.

Sinamaan ako nito nang tingin kaya itinaas ko ang dalawa kong kamay para mag-surrender at umatras nang kaunti palayo sa kaniya, "Suko na ko, Pres!"

"Pres, feel ko mas maganda kapag maghiwalay na tayo room by room," I suggested. "Ikaw na sa una tapos sa pangatlo tapos ako sa pangalawa at pang-apat."

"Okay, para makabalik na rin aga—" Nanlaki ang mata niya nang maintindihan niya nang lubusan ang sinabi ko. "Teka! Ayoko sa pangatlo!" I wanted to retort, "ayaw mo ba talaga?" 303 ang classroom ni Jyll so I know she would react like that.

"Um-oo ka na, Pres, eh." Nginisian ko siya. "See you!" Kumaway pa ako sa kaniya bago pumasok sa ikalawang room. As usual, nagsitilian na naman ang mga fans ko. Tsk, tsk. Sorry sila, loyal ako kay Jazz mah labs!

Sinubukan kong pabilisin ang page-explain ko sa kanila. Mukha naman hindi sila nakikinig dahil nagde-daydream sila tungkol sa akin. May magkatabi pa ngang magjowa na feeling ko ay magbe-break mamaya dahil sa akin. Paano'y ang lagkit maka-tingin ni girl kaya halos patayin na ako ng boyfriend niya sa titig. May ilan pang nagtanong kung kasama daw ba ako sa io-auction.

Maya-maya ay natapos na ang pagdi-discuss ko kaya lumabas agad ako ng classroom. Sakto ring kalalabas lang ni Chrysa sa kabila, "'Di mo ko mauutakan, Pres!" Inilabas ko pa ang dila ko para maasar siya.

Nang tumalikod na siya, pasimple kong pa siyang sinilip ulit at napansin ang pagbuntong-hininga niya.

I entered the classroom and did the same routine as earlier. Ganoon pa rin, panay pa-cute pa rin ng mga babae sa akin. Hays, alam kong obvious namang gwapo ako at charming, pero 'wag naman na nilang ipaalala always. Isa pa, hindi ko sila magugustuhan kahit kailan dahil si Chrysa lang ang laman ng puso ko.

Natapos ako kaagad kaya lumabas na ulit ako doon bago pa dumugin ng mga fans ko. Sumandal ako sa gilid ng pintuan ng classroom nila Jyll para hintayin si Chrysa.

"I heard may sakit si Jyll," I heard the teacher say to Chrysa. I can see Chrysa in my peripheral vision. She's standing almost near to the door. I saw how she stiffened when she heard what the teacher said.

Bago pa siya makalabas ng classroom na 'yon ay nagmadali akong magpunta malapit sa may hagdan. May kung anong kumirot sa puso ko dahil sa nakitang reaksiyon ni Chrysa. It's still Jyll. Confirmed.

When she reached my side, hindi niya ako pinansin at diretso lang na naglakad. Hindi ko na rin siya kinulit at nag-focus na lang sa task na pinapagawa sa akin.

When everything's finished and we're heading back to the classroom ay doon lang ako nagkalakas ng loob na tanungin siya, "Pres, ba't bigla kang naging tahimik diyan?" I asked. "Ay lagi ka nga palang masungit ay este tahimik."

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Where stories live. Discover now