Chapter 20: Caught in the act

23 3 7
                                    

CHRYSANTHEMUM

It's been more than 2 weeks since the last time 4 gave me a present. 'Yon ay noong nagkasakit ako dahil sa pagpapaulan. Mas ayos na rin dahil nabawasan ang pagka-bother ko tungkol sa kaniya.

Si Marmyx, back to his usual self na siya. Noong gumaling ako after a day at pumasok na ulit sa school ay wala na siyang binanggit tungkol sa nangyari. Balik na rin siya sa mga pang-aasar niya as if that night was something buried deep in the soil.

Si Jyll naman, ganoon rin. I don't know if it is just me but he seems so fine no'ng nagkita kami ulit after niya akong hindi pansinin the other night. He's so unpredictable. Minsan ay hindi ko nage-gets ang action niya. One moment, he's so jolly and then he will get frustrated the other. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil gawa rin siguro ng pagod dahil sobrang dami naming inaasikaso.

Tulad ngayon, nasa gymnasium kami at nagde-decorate ng gymnasium kung saan gaganapin ang christmas ball para bukas. Friday ngayon at nagpa-excuse kami sa klase ng buong araw para pagtuunan ito ng pansin. Wala na rin namang ginagawa sa classroom since last day ngayon ng pasok at next week ay christmas parties na pagkatapos ay bakasyon na.

Hindi na kami nag-rent pa ng mag-aayos ng venue dahil sayang lamang ito sa budget. As much as possible ay kami na ang gagawa kung kaya naman namin. We brought materials at ang ilan ay hiniram namin sa props room maging sa mga faculties.

Kasalukuyan kong nilalagyan ng cloth ngayon ang mga cocktail tables. Sina Marmyx ay siyang nagbubuhat ng mga upuan papasok sa gymnasium. Kanina ay nalagyan na namin ng pulang carpet ang gym.

"Anong oras dadating 'yong mga lobo?" Tanong ni Jyll sa akin.

"Hmm, mamaya atang tanghali." Sagot ko dito habang inaayos ang pagkaakalagay ng tela sa mga lamesa.

"Na-contact ko na pala 'yong magke-cater ng food, kanina lang nila na-confirm." Tumangu-tango na lang ako.

Sa totoo lang, simula noong gabing hinabol ko siya sa ulanan (na sa palagay ko ay wala siyang ideya) ay naging awkward na ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay may mali. Idagdag mo pa na pinipigilan kong maghinalang siya ang nagpapadala sa akin ng mga bulaklak. Ayokong umasa na naman sa wala.

Kung gusto pa rin naman niya ako, willing naman akong bumalik kami sa dati. Pakiramdam ko sa sarili ko ay mas handa na akong ipaglaban siya. 'Yon ay kung gugustuhin niya pa rin ako. Ayokong gumawa ng panimulang move kasi ayokong magmukhang desperada. Siguro sapat na sa'kin na nakakausap ko siya kahit papaano. Kaya lang minsan ay hindi ko maiwasang maguluhan (at masaktan) sa mga ipinapakita niya.

"Jazz, naipasok na namin lahat ng upuan." Gallego approached us and said. Napalingon siya sa direksiyon ni Jyll at nakita ko ang pagbabago sa mukha niya na agad ding napalitan ng ngiti niya.

Kahit hindi naman niya sabihin, pakiramdam ko ay marami siyang nage-gets sa mga nangyayari sa akin. Kahit 'di ko aminin, I know he seems to be aware of it. Wala siyang sinasabi sa akin madalas, pero kapag awkward ang sitwasyon ay bigla siyang mang-aasar or magjo-joke. Maybe Gallego knows how to sympathize, which is a trait of him that I like though.

"Hoy, Jazz, ang bagal mo naman! Kanina ka pa sa mesang 'yan!" Tulad ngayon. Napansin niya sigurong tulala ako kaya ito na naman siya, nang-aasar. Pero mas gusto ko ang pang-aasar niya kaysa sa mga pinagsasabi niya sa akin 2 weeks ago. I mean, yeah, I get it. At hindi ko inakalang si Marmyx ang magsasabi sa akin ng mga bagay na 'yon. But again, no matter how I tried, isang direksiyon lang talaga ang pinatutunguhan ko.

"Oo, ito na po boss." Pagsakay ko na lang sa kaniya.

Out of the blue, bigla na lamang umalis si Jyll sa tabi ko. Nagkatinginan kami ni Gallego at sabay na napakunot ang noo kaya naman parehas din kaming natawa.

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon