Chapter 23: Ball (Auction)

26 3 12
                                    

CHRYSANTHEMUM

I'm not really the type of person addicted to parties like this. Hindi pa rin ako sanay dito, medyo naiilang pa rin ako sa malakas na tugtog. The music started being something that you can dance with the beat. Well, not for me. I am not really fond of dancing. Kung nandito si Auri, malamang ay hataw na hataw na 'yon.

Nakaupo lang ako ngayon sa upuang designated para sa amin. Mag-isa ako dahil abala pa ang council sa pag-aasikaso ng ilang paparating pa lang. Medyo naaawa ako sa council kasi hindi sila ganoong makapag-enjoy since kasisimula pa lang ng party at marami pang aasikasuhin. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin nila akong patulungin. Well, maya-maya naman ay wala na silang aasikasuhin.

Pinagmasdan ko na lang din ang paligid. The party is not yet really starting pero may ilan nang sumasayaw. Some were just talking about some things. May mga magkasintahang ang sweet sweet sa isang sulok. Napangiwi na lang ako. Nakaka-bitter, gosh!

I can't help but frown. Kung nandito sina Auri, Xerox at Jhya, malamang para na kaming mga baliw na nagwawalwal dito. Naalala ko no'ng prom namin no'ng grade 9, pinagalitan kami ng teacher dahil pinagpuputok namin ang lobo na nasa table gamit ang heels ni Xerox na bitbit niya lang buong event. Si Venom pa ang pasimuno ng katarantaduhang iyon.

"Chrysaaaaa!" Zaine approached me. "Ang loner mo naman dito, ba't ka ba kasi umalis kanina?" Now she reminded me of it! Hindi ko alam kung bakit biglang naging uncomfortable ako kanina sa harap ni Jyll. Maybe I need some fresh air to think of what I'm planning to do later.

"I just want to sit, alam mo namang hindi ako sanay sa mga heels." Palusot ko. Partly, totoo namang hindi ako sanay sa paggamit nito. Mas gusto ko pa ngang mag-wedge kaysa pointed na kagaya nitong suot ko ngayon.

"Hay nako! Palusot mo," humawak pa siya sa noo niya na parang stress na stress talaga siya. "Akala mo hindi ko alam? Iniiwasan mo kaya si Jyll kanina!"

Shoot. Zaine is somehow like Jhya. Mabilis niyang mahulaan ang mga actions ko. Hindi ko alam kung may lahi ba siyang psychic o ano.

"That's your fault! Kung anu-anong pinagsasabi mo kanina!" I frowned at her. She just laughed then suddenly became serious.

"Hindi ko totally alam 'yong naiisip mo, Chrysa, pero don't let your feelings eat you. Minsan kaya tayo nasasaktan kasi choice din natin," she said. I did not answer. Ilang beses ko na ba 'yang narinig? Maging si Gallego ay iyan din ang sinabi sa akin. Did I really choose to get hurt? I'm not sure. "Hanap muna ako fafa, make up your mind! 'Wag ma-stress, ibebenta ka pa nila!" She said as she waved her hand and leave.

I just stayed there. Nahagip ng mata ko si Jyll na kausap sina Gallego so I stared at him. Halu-halo na naman ang nararamdaman ko. This supposed to be a party and I should enjoy, pero para kasing tinutusok ang puso ko ng ilang daang karayom. Do I deserve to get hurt like this? If I fight for now, would he fight for me too? Besides, sinabi niya noon na hindi niya ipaglalaban ang hindi siya ipaglalaban. Kapag ba lumaban ako ngayon, may chance ba na tulungan niya ako? Ako pa rin ba, Jyll?

I was busy sipping my orange juice nang lumapit sa akin si Mad. "Pres, proceed to the backstage na," She said. The auction is about to start and it's pissing me off. Hindi ko talaga trip ang bagay na ito sa una pa lang but I have no choice but to just go with the flow.

Walang gana akong pumunta sa backstage kung saan nandoon rin ang ibang 'ibebenta'. If it wasn't for the charity, I wouldn't accept this. Ako lang ata ang hindi excited sa kanila dahil panay ang paganda at pagwapo nila.

"Good day, students!" Narinig kong sabi ng emcee. "Before we officially start the party, we will have a surprise for you!" Napairap ako sa narinig. Hindi 'yon surprise because everyone is aware of the auction.

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon