Chapter 18: Just the rain

24 3 10
                                    

CHRYSANTHEMUM

"Congratulations, Jyll!" Bati ng mga kasamahan ko sa Council sa newly elected secretary na si Jyll. Malakas ang kapit ni kuya mo sa student body! Hindi man lamang dumikit ang kalaban sa boto sa kaniya. Almost half of the student voted for him. The other half was divided unequally for the other 3 candidates.

"Thank you!" Isa-isa niyang kinamayan ang mga miyembro ng Council. Simula sa nakaupo sa pinakadulong bahagi ng mahabang mesa hanggang kay Gallego na katabi ko.

"Congrats," bati ni Gallego at inilahad ang kamay niya. Ilang sandali pa 'yong tinitigan ni Jyll saka sumulyap sa akin. Problema nito? Inaakala ba niyang magseselos ako sa kanilang dalawa? Tss.

"Salamat, pre." Wow, pre. Parang hindi siya nagbanggit ng salitang gora noong isang araw. Oh well, why am I even thinking about it?

Sunod naman ay tumayo siya harapan ko. Tinaasan ko siya ng kilay nang gawin niya iyon. Sumimangot naman ang mukha niya, "Hindi mo ako iko-congrats?" Naka-pout na sabi nito. Tss. Parang bak— nevermind.

"Hindi. So, sit down dahil magsisimula na ang meeting." Imbis na umupo ay nanatili lang siya doon. Itinukod niya ang isang kamay niya sa lamesa upang bahagyang mailapit sa akin ang mukha niya. Hindi niya ba alam na gumagawa siya ng eksena?

"Galit ka ba sa akin kasi iniwan kita no'ng sabado?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano namang pumasok sa kukote niya at naisip niya 'yon?

Sa isang iglap ay naghiyawan ang mga kasama namin at nagsimulang manukso. Muli, narinig ko na naman ang walang kamatayang kantang muling ibalik ang pag-ibig blah blah blah. Tss. Wala na ba silang alam na ibang kanta?

"So, totoong magkasama kayo no'ng sabado?" Usisa ni Jamea. Sinamaan ko siya ng tingin at umakto naman siyang isini-zipper ang bibig.

"Sit down, Jyll. Let's start the meeting. Afternoon classes will start in less than 40 minutes." I glanced at my watch kaya wala nang nagawa si Jyll at umupo na. Dapat lang dahil kung hindi ay patatalsikin ko siya ng SC office kahit kaka-elect pa lang niya. Para namang may bumulong sa akin na, "sa puso mo nga hindi mo mapatalsik, sa office pa kaya?" Shutek na subconscious 'yan! Maging ang sarili ko ay ipinapaalala nang hindi pa ako nakaka-move on.

Wala nang nagawang mang-asar sa akin dahil tiningnan ko sila nang seryoso isa-isa saka nagsimulang magbanggit ng mga agendas namin. Nabanggit ko na sa kanila ang bagay na 'to, kapag biruan ay biruan pero kapag seryoso na ang mukha ko ay kailangan na naming seryosohin ang gawain, which they respectfully obeyed.

The meeting started. We have talked about stuffs regarding the christmas ball maging ang even para sa grade 7 and 8. Next week na gaganapin ang camp for the lower years so medyo busy kami buong linggo. A week after ay gaganapin naman ang Christmas ball ng seniors.

The meeting ended, and everything was settled for the camp. Napagdesisyunan naming mag-stay after class upang gawin ang mga simple props for the games sa gaganaping camp.

I headed to the classroom together with Gallego and Jyll. Habang naglalakad ay nag-uusap silang dalawa tungkol sa mga pwedeng maging palaro. Hindi ko alam pero parang napapansin ko si Jyll na palingon-lingon sa akin, paano ay kanina ko pa siya hindi pinapansin.

Nang marating ang tapat ng building ay nagpaalam na sa amin si Jyll at nag-iba na ng direksiyon. Kami naman ni Gallego ay umakyat na sa third floor ng ABM building kung nasaan ang classroom namin. Hindi pa man din kami nakakapasok ay sinalubong na kami ni Zaine.

"Chrysaaaaa, bakit hindi ka na nagkukwento sa akin?" Halos takpan ko na ang tainga ko dahil sa pagtili niya ng pangalan ko.

"Ano namang ikukuwento ko sa'yo, aber?" Nakapamewang kong sabi sa kaniya. Tinaasan ko pa siyang kilay.

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Onde histórias criam vida. Descubra agora