Chapter 17: Unexpected (2)

24 4 15
                                    

CHRYSANTHEMUM

"Do you want to grab some coffee?" Yaya ni Jyll. He smiled at me, showing his white teeth.

Napaisip pa ako nang ilang segundo bago sumagot. Tiyak na hindi rin naman magpapakita ang tatlo sa akin, at gets ko ang rason kung bakit sila tumakbo. Yari lang talaga sila sa akin mamaya! Pababayaan ko silang mag-commute. Tss

"Ano, gora?" Napakunot ang noo ko dahil sa ginamit niyang salita. Gusto kong matawa, seriously? "I mean, tara? Si Monica kasi napakahilig gumamit ng mga ganoong salita kaya nahahawa ako," Monica is one of our classmates no'ng junior high. Yeah, parte siya ng federasyon. We call her Monica but her real name is Reymundo.

Hindi ko na lamang iyon pinansin at saka nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nasa susunod na floor pa ang paborito niyang cafe.

"I didn't expect to meet your Lola," pagbubukas ko ng usapan.

"Ako din, 'di ko alam na makikita namin kayo dito," sagot nito. "Pasensiya ka na sa kanina ah, matagal ka nang gustong makilala ni Lola eh, kahit noong—you know—wala na tayo," ouch. Like what it always made me feel, the word 'wala nang kayo' or 'wala nang tayo' stab me like it's the sharpest knife that's ever made. Kung tunay nga lang iyong kutsilyo ay nakabulagta na ako ngayon at naliligo sa sariling dugo. It still hurts, you know, and I hate it. I hate this feeling.

"That's fine," tanging naisagot ko. Hindi ko na alam kung paano dudugtungan ang usapan. He doesn't seem to feel awkward talking about it, ako lang ata ang nakakaramdam no'n. Nakakainis naman kasi sina Jhya, bakit pa ba ako iniwan dito?! The place isn't so crowded but it feels suffocating. Parang ano mang oras ay lalagutan na ako ng hininga sa kawalan ng hangin. Para akong nakakadena— nakakadena sa isang bagay na kaya ko naman talagang putulin at alisin, 'yon lang ay pinipili ng utak at puso kong panatilihin.

"Thank you pala," pambabasag nito sa ilang minutong katahimikan. Napakunot ang noo ko. Para saan ba siya nagpapasalamat? "Thank you lang, kasi you are always there."

Kung kanina ay pilit kumakawala ng puso ko sa pagkakakadena, ngayon ay hinayaan na naman nitong magpayakap doon. Hindi ko talaga gustong marinig ang mga ganito niyang litanya. Para lang itong martilyong pinupukpok ako papalubog.

I wanted to answer. Gusto kong sabihing hindi niya kailangang magpasalamat. Kasi unconsciously ay ginagawa ko ang lahat para sa kaniya. Kahit sabihin ng utak kong tama na, ayaw ko na, tumigil na or kahit ano pa, alam ng puso ko ang totoo. Para siyang controller ng isang video game at ako ang character nito. Isang command lang, sunod agad. Walang kapaguran.

Xerox often asks me kung hanggang kailan ako magpapakatanga. Hanggang kailan ba? Maging ang sarili ko ay tinatanong ko rin ng bagay na iyon. Pero hindi ko alam ang sagot dahil kung alam ko lang, matagal ko nang ginawa. Matagal ko nang itinigil.

"You're welcome," 'yon na lang ang tanging nasagot ko.

We reached the cafe. The place is too cozy. May maliit na shelf sa isang side kung saan may mga magazines na pwede mong basahin. Medyo yellowish ang kulay ng ilaw na nagmumula sa mamahaling chandelier na nakasabit sa kisame. Naka-display sa may counter ang mga pastries nila na nakakatakam tingnan. Maaamoy mo rin pagpasok pa lang ang mabangong aroma ng kape.

Dahil marami-rami pa ang nakapila sa counter, umupo muna kami sa isa sa mga couch doon upang maghintay. Malawak naman ang paligid.

"So, why did you run for the council pala?" Tanong ko dito nang may maisip na usapan. Kanina pa kasi parang may patay na hangin sa pagitan namin.

"Ate suggested it. Wala naman daw akong madalas ginagawa so maybe I can serve the student body na lang daw." Her sister is a faculty member of the school. Ito ang science teacher namin noong grade 7 kami. Mabait ito at palangiti, napakaganda pa. Jyll's sisters are indeed beautiful. Si Jyll lang ang nag-iisang lalaki sa kanina so it's safe to assume na gwapo rin siya.

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt