SIMULA

104 1 0
                                    

CHAPTER 1




"Japanese Restaurant"

Dito kami ngayon magkikita ni Justin, rest day ko ngayon kaya masaya akong makasama sya buong araw.

Pagkalipas ng isang oras dumating si Justin, hindi pa sya nakakaupo sa upuang nireserve ko para sakanya ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Nakita ko ang pangalan ng boss ko sa screen.

Yes sir?

I need you to come to my condo asap. "diretsyong saad ni sir Adrian sa kabilang linya".

Ano?

Pero Mr. Zabala, rest day ko po ngayon hindi po ako makakapunta. "galit kong saad".

Just come goddamit! "sigaw nya at ibinaba na ang tawag".

Nanlulumo akong tumingin kay Justin, alam na agad nya kung sino ang tumawag. Kunot noo nya akong tinitigan.

Sorry Justin kailangan kong....

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng bigla syang magsalita.

Nananadya ba yang boss mo? Lagi na lang ganyan, alam mo ba simula nung nagtrabaho ka sa punyetang kompanya na yan wala na tayong matinong date! "galit nyang saad".

Palagi kana lang nang iiwan, wag mong hintayin na magsawa ako sayo Sophia! "malalaki ang hakbang nyang lumabas ng restaurant".

Mangiyak ngiyak akong napa upo. Ang dami daming time bakit kasi ngayon pa?

Ganyan lagi ang ginagawa ng boss ko, wala na akong time sa lahat. Kahit rest day tatawag na lang bigla, papapuntahin sa condo, maglilinis o di kaya magluluto ng pagkain at pipili ng damit na isusuot kapag may meeting!

Sa tototosin marami naman syang pwedeng utusan para gawin lahat ng mga yan pero ayaw nya, lagi nyang sinasabi sakin na ako lang daw ang pinagkakatiwalaan nya dahil tumagal ako ng tatlong taon sakanya.

Sa lahat ng naging secretary nya, ako lang ang nag tagal sakanya, lahat umuuwing luhaan dahil sa pagka mainitin ng ulo nya.

Marami nga ang nagtatanong kung bakit ako nagtagal sakanya.

Tatlong taon na paghihirap. Hindi na lang ako nagrereklamo dahil dagdag sweldo din naman yun. Secretary slash katulong.

Hinahayaan ko na lang dahil kailangan ko ng sapat na pera dahil ako ang nagpapaaral sa kapatid ko.

This year ga-graduate na ang bunso kong kapatid kaya pwede na akong magresign, panahon na rin para isipin ko din ang sarili ko.

Sumakay ako ng taxi papuntang condo, wala akong ganang umakyat sa unit nya.

Alam ko naman ang passcode kaya agad agad kong binuksan ang pinto.

Bwisit na bwisit ako pero never ko pang ipinakita sakanya na galit ako, syempre para sakanya isa akong mabait at masunuring secretary, malapit na akong mag resign kaya kaya ko pa namang magtiis.

Bakit nya ako pinapunta dito sa condo, hindi ba dapat nasa opisina sya ngayon? "takang tanong ko sa aking sarili".

Nagulat ako ng lumabas sya sa kwarto na bagong ligo at bihis na bihis. Kapag ganito kasing pinapapunta nya ako dito sa condo nya, pinaglilinis nya ako o di kaya pinagluluto.

You just arrived in time, C'mon let's go! "saad nya at dire diretsyo ng lumabas".

Teka Mr. Zabala, saan tayo pupunta? "takang tano ko at sumunod na sakanya sa paglalakad".

THE HEARTLESS BILLIONAIREDonde viven las historias. Descúbrelo ahora