My Moon#11

192 17 2
                                    

"Aking Buwan"

Aking minamahal na buwan
Kelan kaya ika'y muling masisilayan
Ikaw ay aking hanap-hanap
Kinaroroonan ay hindi mapuntahan

Kung sana hindi malayo ang pagitan
Pinagmulan ay taong-liwanag ang agwat
Aantayin ko pa ba'ng bumaba ka aking buwan—
Upang ika'y aking mayakap at halikan

Bakit kasi nasa itaas ka
Kahit pilitin kong abutin
Ay hindi ko magawang
Ikaw ay mapasa-akin

Isa kang pangarap na di ko alam kong matutupad ba
Hilingin ko man ngunit ito ay pilit na ipagkakait
Na kahit paghirapan ko man ay
Hindi-hindi pagbibigyan
Maari ka bang dumayo ulit?

Muli ako ay magbabaka-sakali
Na ngayong gabi ikaw ay
Aking masisilayan dito—
Sa kalangitan nawa'y ang puso'y

Huwag sanang paasahin at biguin
Ang pusong matagal na nag aantay
Sa iyong pagdating
Ako sana'y mapasaya mo

Aking buwan...

✍️Writer_Lhey

My Moon (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now