My Moon #37

63 6 0
                                    

"Maghintay"
Dedicated to @ marievasaylaje

Hindi ako manhid para hindi mabatid ang pagtingin.
Hindi ako bulag para hindi makita ang pagmamahal sa mga mata mo.
Hindi rin ako bingi para hindi marinig ang iyong pagsusumamo.
At mas lalong hindi ako bato para hindi gustuhin ang isang katulad mo.

Gusto kita, gustong-gusto ngunit hindi mo alam.
Hindi maaari dahil hindi pa pwede.
Gustohin ko mang ipagbigay-alam--
Ngunit paumanhin, hindi maaari.

Para kang buwan sa langit na kay sarap titigan.
Para kang buwan sa langit na kay sarap abutin.
Para kang buwan sa langit na gusto kong mahawakan.
Para kang buwan sa langit na matagal ko nang inaasam.

Ngunit paumanhin, gustuhin ko man ay hindi pa pwede.
Hindi pa takda ang oras at panahon.
Marami pang balakid na haharapin.
At marami pa akong pangarap na kailangan tuparin.

Makasarili man kung iyong iisipin.
Ngunit ito ang dapat at tamang gawin.
Mahaba pa ang landas na tatahakin.
Nawa'y sa dulo ay ikaw ang kikitain.

Nais kung mapalapit sa iyo, ngunit bigo ako.
Marami pang gumugulo sa isipan ko.
Marami pang bumabagabag sa loob ko.
At batid ko na hindi pa ako karapat-dapat sa'yo.

Matagal na kitang gustong hawakan.
Matagal na kitang pinagmamasdan.
Matagal na rin kitang minamahal nang hindi mo nalalaman.
Kaya sana'y katulad ng buwan--

Sana'y hindi ka mabagot sa kakahintay.
Sana'y hindi magbago ang iyong nararamdaman.
Sana'y hindi ka maghanap ng iba.
Sana'y nand'yan ka lang hangang sa pwede na.

Hangang sa maaari na, hangang sa pwede na--
Hangang sa takdang panahon ay--
Makita kita sa dulo ng tulay na aking tinatahak.
Makasama na kita nang walang inaalala.

Makasama na kita sa aking pagtatagumpay.
Makasama na kita nang walang alinlangan.
Makasama na kita nang walang bumabagabag.
At makasama na kita habang buhay.

Aking buwan...

✍️Writer_Lhey

My Moon (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now