My Moon#12

165 18 0
                                    

"Malayo't Malabo"

Bakit kaya tayo'y magkalayo?
Kinaroroonan mo'y malayo
Ngunit sa iyong pangako—
Aasahang hindi iyon mapapako.

Maghihintay gaano man ito katagal,
Aasa kahit walang kasiguraduhan,
Susubukang maniwala't magtiwala
Na balang araw tayo'y magkikita.

Pero ang puso'y may kiro't,
Ang isip ay nababahala,
Ako'y natatakot na—
Ang ating agwat ay mananatiling malayo.

Na ang panahon na magsama
Ay hindi na darating, sapagkat ito ay malabo.
'Di ko mapigilang magkaganito.
Paumanhin! Aking ginoo...

Maari ba akong humiling ng isang sinyales?
O pahiwatig na ang pangako mo'y
Totoo, na ito'y magkakatotoo!
At balang araw pagtatagpuin rin tayo ng tadhana.

Maniniwala kahit malayo't malabo...


✍️Writer_Lhey

My Moon (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now