My Moon#17

116 12 0
                                    

"Balik Tanaw"
Dedicated to @Knipbizarre

Nakadungaw sa aking bintana.
Hinahanap ang aking buwan.
Ako ay bigo at nanghihinayang.
Sapagkat ngayong gabi, Siya ay di na naman masisilayan.
Dahil sa nagbabadyang ulan.

Hawak-hawak ang nalakumos na larawan,
Kulay na nagsisimula ng makupas,
Mga alaala ng pagkakaibigan
Ay muli nating balikan, mahal kong kaibigan.

Naalala mo pa ba ako?
Ako 'yong pinagtanggol mo,
Kinilala at kinaibigan mo.
Labis akong nagpapasalamat no'ng araw na iyon.

Dumaan ang araw, linggo at umabot ng ilang buwan.
Ang ating pagkakaibigan ay umabot sa barkadahan.
Nadagdagan ng isa, dalawa, tatlo— Ilan na nga ulit tayo?
Naalala ko na! Sampu pala tayo.

Pagsasama ay napakasaya!
Marami mang iyakan, bangayan at asaran.
Hindi maitatanging mahal natin ang isa't isa.
Ang makilala kayo ay ang pinakamagandang nangyari sa buhay.

Naalala n'yo pa ba ang ating gawain?
Sabay na gumagawa ng takdang aralin,
Sabay rin tayong kumakain,
Sabay ring nag-aaral upang hindi bumagsak sa pasulit.

Naalala mo pa baang ating asaran?
Na umabot sa tampuhan?
Paano naman 'yong mga away at iyakan?
Mga kadramahan sa buhay na ating pinagsaluhan.?

Naalala mo pa ba ang ating mga kalokohan?
Yung may isang pinagtitripan?
Tuwing tanghali nagkakantahan?
Sa pag-uwi hatid sa sakayan?

Mga alaala natin na kay sarap balikan.
Ngayon kaibigan, tumingin ka sa kalangitan.
Alalahanin ang pinagsamahan
Nang malaman ang aking nararamdaman.

Hindi tayo maaring magkita.
Sapagkat nand'yan pa ang pandemia.
Ngunit tumingin sa kalangitan.
Asahang sa buwan ako rin ay nakatingala.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman.
Sa aking pagbabalik-tanaw ng ating nakaraan,
Umaasang babalik na sa ayos ang lahat.
Nang kayo ay mayakap at makasama na.

✍️Writer_Lhey

My Moon (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now