Sining
Dedicated to @astrologameSa bawat pagguhit ng linya'y ikaw ang palaging nasa isipan.
Sa bawat pag dampi ng pintura sa puting papel ay ikaw lamang ang piyesa.
Sa bawat pagkatha ng obra maestra ko'y ikaw lang ang siyang nagpapaligaya.
Ikaw ang inspirasyon ko sa bawat pagkatha.•
Ang dating walang buhay na papel ay binigyan mo ng kulay.
Pinasigla mo ulit at pininturahan ng mahusay.
Na siyang nagpahumaling sa akin, sa iyong taglay na kagandahan.
Pangako ko na habangbuhay, pintura ko ay sayo ilalaan.•
Kailan ma'y hindi mapapagod sa pagguhit, kung ngiti sa labi mo naman ang masisilayan.
Hindi ako magaling sa talinhaga at mabulaklak na mga salita.
Ngunit aking sining sana'y iyong mabigyan ng pansin,
At hayaan mong makuha ang iyong pagtingin.•
Asahan mo na ang aking pag-ibig ay gawa ng sining.
Kagaya nang buwan ito ay patuloy na magnining.
Hangang sa iyong mapansin at matutunang mahalin.
'Yan lamang ang aking hiling, pag-ibig mo sana'y mapasa-akin.
YOU ARE READING
My Moon (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)
PoetryEvery night, I look at you Seeking your light outside my window Hoping that you'll show up once more While I'll write a poem as you glow. Poems live in this book Ones of unsaid emotions When I'm with you. When I'm alone. Love that won't end soon No...