My Moon #44

57 7 0
                                    

Hindi na pwede
Dedicated to all Bubblheys

Inspired by the Conjunction Jupiter and Saturn

Babalik ako kapag pwede na-
Pwede na tayong magsama
At mamahalin ang isa't-isa
Ngunit lintek na linyang iyan!

Pinagtagpo tayong muli,
Pangalawang pagkakataon ay sumapit.
Nakita kitang muli ngunit-
Huli na ang lahat, bakit?!

Naalala ko pa ang huli nating pagkikita.
Ako ay binalot ng kaba at pinagpawisan ng sobra.
Nagtatago sa sulok, upang ako ay hindi mo makita.
Natatakot na kapag nakita mo ay-

Tanungin kung ano ang ginagawa ko?
Kamusta ako?
O hindi kaya ay may pagtingin ba ako?
Mga tanong na hindi ko masasagot.

Sapagkat ako ay mabubulol kapag kausap mo.
Natatakot na baka ako ay mabigo.
Umuwing sawi at durog ang puso.
Kaya ako ay mananatiling nasa sulok.

Mananatiling nasa sulok, pagmamasdan kita sa malayo.
Aayusin ko muna ang sarili ko.
Ako ay mag-aaral, magpapayaman hangang sa maging katanggap-tanggap sa paningin mo.
Para mabigay ko ang lahat sa iyo.

Ayaw ko rin namang ka sa barkada.
Mas ayaw kong mapahiya ka sa iba.
At takot ko lang na hindi tanggapin ng pamilya.
Kaya saglit lang, babalik ako sinta!

Nagawa ko nga ang lahat nang dahil sayo.
Nabuo ko ang sarili ko para maging karapat-dapat sa iyo.
Ngunit nakakalungkot ang balitang narinig ko.
Noong una ay ayaw kong maniwala at gusto kong manggaling ito sa iyo.

Nagkita nga tayong muli,
Ikaw parin yung dating palangiti.
Puso ko ay iyo paring mapapangiti.
Ngunit kapansin-pansin ang kumikinang sa daliri.

Singsing, ikakasal ka?
Tanong ko kahit halata naman.
Ngumiti ka bilang tugon kaya-
Niyakap kita sa una't huling pagkakataon.

Nagawa kong buuin ang sarili ko.
Nagawa ko ngang malapitan ka na kaunti ang espasyo.
Nagawa kong makita kang muli pero-
Huli na pala ako.

Natagalan ako sa pagbuo ng sarili ko.
Natagalan ata ako dahil iba ang naabutan ko.
Sa pangalawang pagkakataon, kahit kumpleto na ako.
Hindi parin pala ako para sayo.

Tapos na ang laro, may nanalo na.
Wakas na ng madamdaming pelikula.
Bigo ang akala mo'y tauhan.
Huli na ang lahat, dahil hindi nga talaga ata tayo tinadhana.

✏Writer_Lhey

My Moon (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon