My Moon #36

62 8 0
                                    

"Sana'y makita ka muli"
Dedicated to @200119cherry

Masasabi mo bang ako ay baliw na sa'yo?
Masasabi mo rin bang ganito talaga ako?
Noong una kitang makita 'non-
May bigla nalang nadama ang puso.

Para kang buwan na dumating,
Natunaw nalang akong bigla.
Ang iyong mata't iyong ngiti-
Ang lahat ng iyan ay alam ko na.

Sana'y makita pa ulit,
Sana'y makita ka pang muli,
Masasagot ba ang mga tanong
Kung bakit ako nagkakaganito.

Ako lang ba ang nagkakaganito?
Ako lang bang mag-isa?
Sumagot ka naman oh!
Nang hindi ako magmukhang sira!


Para kang buwan na dumating,
Natunaw nalang akong bigla.
Ang iyong mata't iyong ngiti-
Ang lahat ng iyan ay alam ko na.


Sana'y makita pa ulit,
Sana'y makita ka pang muli,
Masasagot ba ang mga tanong
Kung bakit ako nagkakaganito.

Ang dati isang ordinaryong araw,
Ngayon para nang sa pelikula.
Alam ko sintang hindi pa natin alam.
Ngunit sandali't maghintay ka lang.

Para kang buwan na dumating,
Natunaw nalang akong bigla.
Ang iyong mata't iyong ngiti-
Ang lahat ng iyan ay alam ko na.


Sana'y makita pa ulit,
Sana'y makita ka pang muli,
Masasagot ba ang mga tanong
Kung bakit ako nagkakaganito.

✍️Writer_Lhey

My Moon (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें