My Moon #38

70 7 0
                                    

"Balang Araw"

Madilim na kapaligiran,
Basa na mga kalsada,
At malakas na buhos ng ulan,
Kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata ko.

Dama ko ang lungkot na dinadala—
Ng bawat mag-aaral ngayon sa panahon ng pandemya.
Dama ko ang paghihirap nila sa pagsagot ng kanilang mga modyul,
Na hangang ngayon ay wala pang laman at blangko.

Nararamdaman ko rin ang pagsusumikap ng mga naka-"online class."
Hirap sa pagsabay sa makabagong plataporma sa pag-aaral.
Signal na sobrang hina at kung minsan ay bigla-bigla nalang nawawala.
Parang yung taong mahal mo? Tama siya nga!

Maraming gawain sa "Google classroom" na kailangang tapusin.
Maraming "meeting" na kailangan pasukin.
Marami ring gawain sa bahay na kailangan unahin.
Hindi ba't kahanga-hanga tayong mga estudyante?

Parang yung taong mahal mo, nagawa kayong pagsabayin.
Biro lamang at huwag mo sanang damdamin.
Ngunit kung iyong nanaisin,
Ay maari nating totohanin.

Sumasakit ang mga kamay, sa kakahawak ng "ballpen".
Sumasakit ang ulo sa kakatitig sa "gadget."
Parang tahol ng mga single na, "walang forever!"
At parang gabi sa kalangitan na walang kumukutitap na bituin sa paligid ng buwan.

Malungkot, masakit, at mapait man ang ating sinapit.
Ngunit kapwa kong mag-aaral ay huwag sanang isipin ang "tumigil,"
Sa pagkamit ng ating mga pangrap.
Dahil sa una lang ito mahirap.

Parang paglimot sa taong minahal mo, sa una lang talaga mahirap.
Balang-araw ay mawawala rin ang lahat ng paghihirap.
At babalik rin sa dati ang lahat,
Hindi kasama ang taong minahal mo dyan ah!

Babalik rin sa dati ang lahat, kaya laban lang!
Makakasama rin natin ang ating mga kaibigan.
Makakalabas na ulit tayo at makakagala.
Sabi nga ng mga single, "Walang forever."

Lahat ay may katapusan, nagtapos nga ang relasyon niyo diba?
Matatapos rin ang pandemya, tiwala lang!
Kaya huwag sanang panghinaan ng loob sa pagkamit ng pangarap.
Malalampasan rin natin ang lahat sapagkat ito ay pagsubok lamang.

Payo ko lang sa lahat ng mag-aaral—
Ay mag-aral ng mabuti at huwag magpadala sa pagod.
Laban lang, nagawa mo nga'ng ipaglaban ang relasyon niyo.
Pero pinili niya ang sumuko, huwag mong sundin 'yon.

Balang-araw ay babalik ulit sa dati ang lahat.
Balang-araw ay masusuklian rin ang ating paghihirap.
Balang-araw ay magtatapos tayong lahat.
At balang araw ay matutupad natin ang ating mga pangarap.

Iyan ang ibubulong ko sa aking buwan,
Nawa'y makita ko na ulit siya.
Sapagkat umuulan pa ngayon at wala siya sa kalangitan.
Ngunit alam kong balang-araw ay babalik siya at mabibigay ng liwanag sa aking buhay.

Sabi ko nga diba, "Tiwala lang!"

✍️Writer_Lhey

My Moon (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now