My Moon #33

61 8 2
                                    

"Sa ilalim ng tala at buwan"
Dedicated to @Wisty_Misty

Matagal-tagal na rin pala simula nung lumisan ka at sumama sa iba.
Matagal-tagal na rin pala nung huli kitang nakita at nakasama.
Matagal-tagal na rin pala nung pinili mong bumitaw at wakasan ang pagmamahalan nating dalawa.
Matagal na rin pala yun pero 'di ko parin makalimutan ang lahat ng pinagsamahan.

Masama ba'ng umasa na balang araw ay babalik ka?
At dito sa tabi ko ay makakapiling pa?
Dito sa puso ko'y ikaw lang magisa.
Bakit pinili mong magbago at maghanap ng iba?

Bakit ang daya mong magmahal?
Babawiin at ibibigay sa iba?
Turuan mo naman akong kalimutan ka!
Sapagkat ako ay nasasaktan na.

Tumulo ang luha ko at tuluyan nang humagulgol.
Naalala ko kasi ang gabing ako'y iniwan mo.
Sa ilalalim ng tala't buwan, naiwan akong bigo.
Sumama ka kasi sa iba at naiwan akong luhaan at nasasaktan.

Sa ilalim ng tala't buwan, ako ay pinagpalit mo sa iba.
Sa ilalim ng tala't buwan, ako ay iyong sinukuan.
Sa ilalim ng tala't buwan, ako ay iyong iniwan.
Sa ilalim ng tala't buwan, ako ay nagiisa.

Bumuhos ang malakas na ulan, kasabay ng mga luha ko na nag-uunahan.
Ang bigat ma nararamdaman ay tuluyan ko nang pinakawalan.
Gusto ko nang itigil ang aking kahibangan.
Turuan mo akong kalimutan ka sapagkat masaya ka na sa iba.

✍️Writer_Lhey

My Moon (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now