My Moon #32

68 7 0
                                    

"Kaibigan lang"
Dedicated to @Katanaalicious

Ngiti sa labi mo na abot langit.
Kislap sa mata na wari'y mga bituin.
Nakakagalak at nakakagaan ng damdamin.
Kitang-kita ko lahat dito sa gilid.

Pinagmamasdan kita rito sa malayo.
Sapagkat ako ay mahiyain pagdating sa 'yo.
Hindi naman ako ganito noon.
Sadyang ikaw ang sanhi ng pagbabago kong ito.

Ngunit hindi ko inaasahan na—
Makikita mo ako dito sa kinaroroonan.
Kinawayan at sinambit ang salitang "kaibigan"
Ako ay lubos na kinabahan.

Kinakabahan, nalulula at natatakot na baka—
Ako ay mabuko mo na,
Na baka nakita ang pinaggagawa,
Na baka asarin mo na naman.

Heto na naman tayo sa larong ito.
Magtatago ng nararamdaman,
Mabibisto at magaasaran na naman.
Bukas makalawa hindi mo na kilala.

Ngunit ayaw ko na mangyari iyon.
Ayaw ko ipaalam sayo ang nararamdaman ko.
Ayaw ko mangyari na kailangan kong mamaalam sayo.
At mawawala ang pagkakaibigang nabuo.

Natatakot at nalulungkot sa possibleng mangyari.
Kaya kung maaari ito ay mananatiling lihim.
Pagtingin ko sayo ay aking kikimkimin.
Huwag ka lang mawala sa aking paningin.

At palagi ka lamang abot ng pandinig.
Kaya kung maaari ay wag sanang mabuking.
Nakakakilig isipin ang posibleng mangyari.
Mga nakikita ko sa aking panaginip sa gabi.


Nakikita ka sa altar at hinihintay ako.

Magkahawak tayo ng kamay kahit saan man magpunta.
Magkasama tayo sa isang tahanan.
Ngunit bago ko makalimutan.

Tayo ay magkaibigan lamang.
At malabong mangyari ang mga napapanaginipan.
Sapagkat sa puso mo ay iba ang nilalaman.
At ako ay kaibigan lang.

Para kang buwan na hindi ko maabot.
Para kang buwan na kailanma'y hindi mapapasaakin.
Para kang pangarap na kay hirap tuparin.
Aking buwan, ako ay kaibigan lang.

✍️Writer_Lhey

My Moon (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now