My Moon#19

104 10 0
                                    

"Paghilom"
Dedicated to @FlamingVirus

Mga matang lumuluha,
Pusong durog at sugatan,
Pagkataong winasak,
Kasiyahang pinagkait sa kanya.

'Yan ang larawan na aking nakikita.
Sa taong nakilala ko noon.
Pero iba na siya ngayon.
Nagbago na siya matapos ang pangyayari na 'yon.

Tuyo na ang kanyang luhaang mga mata.
Magaling na ang sugat sa puso niya.
Naghilom na rin ang pagkatao niya.
May ngiti nang sumisilay sa mga labi niya.

Salamat sa liwanag ng buwan.
Nabigyan siya ng pag-asang mabuhat pa.
Siya ngayon ay masaya na.
At ito'y minahal niya.

Kailanma'y hindi na babalikan.
Masalimuot na kanyang nakaraan.
Siya ay magbabagong buhay.
Kasama ang buwan na kanyang mahal.

✍️Writer_Lhey

My Moon (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now