2

577 18 1
                                    



TWO

Tae's Pov

Isang taon.

Isang taon na simulang umalis si Jungkook sa condo namin. At isang taon na din kaming puro tawag at text o kaya minsan sa messenger ang communication namin. Nabalitaan ko nalang na pumunta pala siya sa New York.

Work related daw.

Pero alam ko namang hindi trabaho ang ipinunta niya dun.

Naalala ko pa nung 5th Anniv namin. Ang sakit sakit eh. Nagvideo call lang kami nun for 30mins grabi diba 1hr lang naman hiningi ko nun kaso 30 mins lang talaga ang kaya niyang ibigay na oras sakin.

"Huy! Magdadrama ka nanaman"Sabi ng kaibigan ko na si Jimin. Nasa opisina nya ako. Magkaofficemate kami.

"Mahal ko e"sabi ko sakanya.

"Potanginang mahal yan! Sobrang nasasaktan kana tae sana naman maisip mo yung sarili mo hindi puro Jungkook"Pangangaral nito sa akin at sa halip na magsalita ako ay ngumiti ako ng mapait.

"Gusto ko na siyang makita, Pandak huhuhu"

"Alam mo Tae, awang-awa na sana ako sayo e kaso potangena mo anong pandak ha!"Magdadrama pa sana ako kaso binatukan ba naman ako.

"Wag ka ngang ngumuso-nguso dyan mukha kang isda na baog!"Babatukan ko na sana siya kaso biglang nagring phone ko.

"Si Jk!"Sigaw sabay turo sa screen ng phone ko at inirapan lang ako ni Jimin ng sagutin ko ito.

"Tae, I'm coming back"Ngumiti ako ng malapad ng marinig ko ang sinabi niya.

"Talaga? See you mahal!"

Ngunit nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang boses ng isang babae.

"Babe? Matagal pa ba yan?"Bigla akong napatahimik at ganun din si Jungkook sa kabilang linya.

Agad na kumirot ang puso ko at dahan dahang lumabas ang mga luhang parang nagkakarerahan.

"Tae, ano kasi... sige I'll just call you again"

"Sige mahal, I love you"Naghintay ako sa sagot niya kaso end call ang natanggap ko.

"Oh, iiyak-iyak ka na naman. Parang kanina lang ang saya saya mo"Humakban si Jimin palapit sakin at pinahiran ang aking mga luha.

"Tae.... please wag mong tuluyang itali ang sarili mo sa kanya kung masasaktan ka lang."

Hindi ako sumagot at sa halip ay umiyak na naman at napaiyak na din si Jimin.

***

Lumipas ang isang buwan, umuwi na si Jungkook.

Kaso.. sobrang daming nagbago sa kanya.

"Mahal!"Itinaas ni tae ang kanyang kamay at iwinagayway para makita siya ni Jk sa paborito nilang restau.

"Um, hi tae"Hahalikan na sana ni tae si jk sa lips kaso umiwas ito kaya napahalik nalang siya sa pisngi nito.

"Mahal anong gusto mong kainin?"Ngiti niya dito.

"Kahit ano nalang"Sabi nito at pilit na ngumiti.

"Ito mahal, diba paborito mo to?"Sabi ni tae kaso umiling si Jk.

"Hindi. Hindi na yan ang paborito ko"

Hindi alam ni Taehyung kung ano ang maramdaman ng sabihin ni Jk ang mga katagang iyon. Para bang sinasabi niya na hindi na niya mahal ito.

Pagkatapos nilang kumain. May balak pa sanang pupuntahan si tae kasama ang nobyo ngunit..

"Tae, aalis na ako."Sabi nito na siyang ikinawala ng ngiti ni Tae.

"May problema ba Jungkook? Bat kanina kapa matamlay?"aalis na sana siya ngunit hinawakan siya sa braso ni Tae.

"Ah kasi ano tae, nagaway kami, ah oo nagaway kami ni mama"Napakagat sa labi si Tae ng mahalata niyang nagsisinungaling si Jk.

Tae's Pov

"Ah nagaway kayo.."Sinikap kong pigilan ang luhang namuo sa mata ko.

"Sige, aalis na ako tae,"Sabi ni jungkook. Kumalas siya sakin at tuluyan ng naglakad palayo. Naiwan akong nakatayo at tumingin na lamang sa mga mabilis niyang hakbang na para bang ayaw na ayaw niyang magpahabol sakin.

Pumunta ako sa comfort room. At umupo sa inidoro. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko para hindi marinig ng ibang tao na gumagamit sa iba pang cubicle ang aking mga hikbi.

Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha.
"Okay lang naman sakin kong mas marami kang oras para sakanya, ang gusto ko lang ay sana bigyan mo din ako ng kahit kunti"
Tinext ko siya.

"

Forgotten You (Taekook Completed)Where stories live. Discover now