18

458 22 6
                                    

EIGHTEEN
"Fly Korea Flight FL1001 crash landing at Canada Airport"

Halos gumuho ang mundo para sa lahat ng mga pamilya sa nakasakay sa nasabing eroplano papuntang Canada nang marinig ang maduhong balita.

"Total deaths 500 and 0 survivors. This is your news caster for today, Ammy Ammy."

Third Person's Pov

"Hala ka, si Tae! Sumakay si Tae dyan naku"Napasigaw ang dating katrabaho ni tae na si Robiegail nang makita ang news na nasa screen sa kanilang office.

Halos lahat natahimik nang makita ang news. Pati si Jimin di magawang makapagsalita.

Halos nagdadalumhati ang lahat na nasa office nang mabilis kumalat ang balita na nakasama si Taehyung sa airplane crash.

Habang sa opisina naman nila Jungkook...

"Maraming pilipino ang namatay sa plane crash. Grabi talaga nakakagimbal talaga."

"Diba kasamang namatay yung anak nung sikat na konpanya?"

"Sino nga ulit yun?"

"Taehyung daw e"

Pinagod ni Jungkook ang sarili para hindi nya masyadong maisip yung break up nila ni Tae pero nang may marinig siyang nagbanggit sa pangalan nito agad siyang napalingon.

"Anong pinagsasabi nyo?"Kaagad na pumunta si Jungkook sa tapat ng mga ito.

"Patay na yung anak ni Mr. Kim."

Parang binagsakan ng yelo si Jungkook. Ayaw mag sink in sa utak nya ang sinabi ng kaofficemate.

Paulit-ulit ang boses nito sa kanyang utak.

"Patay na yung anak ni Mr. Kim."

"Patay na yung anak ni Mr. Kim."

"Hindi, hindi yan totoo!"

Halos matumba na si Jungkook nang bumalik siya sa table nya.

"Ma-hal, mahal? Mahal ko?!"

Nagulat ang mga kaofficemate ni Jungkook nang biglang sumigaw ito habang umiiyak.

"Mahal!"

"Hindi, hindi totoo yan! Buhay pa si Taehyung"Napahagulgol na si Jungkook pati ang kaofficemates niya naiiyak na din nang makita siya.

"Di totoo yun diba? Wala bang survivors? Meron diba?"

Sinubukan pa nyang magtanong pero lahat ng sagot nila hindi nagpatigil kay Jungkook sa pag iyak at sa halip ay mas lalo itong umiyak na parang bata.

***

Pinuntahan ni Jungkook si Jimin para e check kung totoo talaga yun na nakasakay si Tae.

Ngunit naabutan nya si Jimin na iyak ng iyak habang may ka-videocall.

"Jimin, nacremate na namin yung bangkay ni Tae"

Halos mabingi si Jungkook nang marinig nya ang sinabi ng kavideocall ni Jimin.

"Potangina mo! Bakit ka nandito? Ikaw ang dahilan kung bakit namatay yung kaibigan ko!"Sigaw ni jimin at pinalo-palo si Jungkook.

Pinalo-palo ni Jimin si Jungkook pero unti-unting napaluhod ito.

At napsasigaw..

"Hindi totoo yan! Buhay si Tae! Buhay pa ang mahal ko"Dinig na dinig ang iyak ni Jungkook.

Naglalakad na para bang walang buhay si Jungkook sa gitna ng madalim na kalsada.Hindi nya lubos maisip ang sinapit ng pinakamamahal niya. Labis niyang sinisisi ang sarili.

"Kasalanan ko, kasalanan ko.. potangina sana panaginip lang ang lahat ng to"

Biglang lumakas ang hangin at nagsimulang umiyak ang langit.

Tila ba nakikidalamhati ito sa nararamdaman ni Jungkook.

Tuluyang napaupo si Jungkook sa gitna ng daan habang paulit ulit na sinasabi ang katagang..

"Mahal na mahal kita tae"

"Buhay ka pa diba mahal?"

"Mahal ko, mahal, mahal sorry"

***

Lumipas ang 3 araw.

Si Jungkook hindi na kumakain at palaging nagkukulong sa condo nila ni Tae.

Paulit-ulit nitong tinitignan ang mga pictures nila. At pati na rin yung video ni Tae sa baguio.

"Jungkook, mahal.. tignan mo yun"

Hinalik-halikan ni Jungkook ang screen ng camera.

"Mahal miss na miss na kita mahal"

"Ang ganda diba? Pero mas maganda kung magkasama tayo"

"Mahal, nagsisisi na ako.. mahal bumalik kana mahal."

"Mahal.. miss na miss na kita.. sana namimiss mo din ako.."

"Miss na miss na din kita mahal, mahal ko huhuhu bakit mo ako iniwan? Mahal buhay ka pa diba? Mahal sumagot ka naman mahal"

Kinuha ni Jungkook ang binigay ni Jimin sa kanya kasama nung camera nung isang araw.

Letters from tae.

Mahal, isinulat ko to hindi dahil gusto kitang sabihan ng masama kundi dahil gusto kong malaman mo na, mahal na mahal kita.
Sa loob ng anim na taon doon ko napagtanto sa fairytales lang pala may happy ending. Sa anim na taon na yun naranasan kong maging masaya, malungkot at higit sa lahat ang masaktan habang nagmamahal. Sa loob ng anim na taon na yun pinaramdam mo sa akin kung pano magmahal at mahalin. Minsan naalala ko nga yung mga araw na masaya tayo.Ang saya saya natin nun hiniling ko nga na sana masaya nalang tayo palagi kaso tinadhana ata tayong maghiwalay. Sana marealize mong umalis ako para piliin ko naman yung sarili ko this time. At salamat nga pala sa mga masasayang alaala at masasakit na alaala na binigay mo sakin. I love you, goodbye.

Pagtapos mabasa ni Jungkook ang letter nilagay nya ito sa bandang dibdib nya at umiyak ng umiyak.

Jungkook's Pov

"Mahal ko, sorry mahal ko.
Sana kong alam ko lang na mangyayari to mahal hindi ko na sana ginawa yun mahal, sorry mahal."

Forgotten You (Taekook Completed)Where stories live. Discover now