23

445 19 3
                                    

TWENTY THREE
Third Person's Pov

Ilang oras na pero hindi pa rin magawang makatulog ni Vincent. May insomnia siya. Nagsimula ito nung nanaginip siya na sa tuwing paggising nya ay umiiyak siya.

Napapaisip si Vincent sa sinabi ng psychiarist sa kanya.

"Your dreams that you can't remember after you wake up is the painful memories you were trying to bury"

Hindi nya maintindihan ang ibig ng kanyang doctor.

Muli siyang napatingin sa kisame at unti-unting tumitiklop ang kanyang mga talukap ng kanyang mata.

Ngunit di kalauna'y bigla siyang nagising sa gitna ng gabi. At dumagundong ang ingay ng kanyang iyak sa loob ng kwarto.

Hindi nya maipaliwanag kung bakit siya umiiyak. Basta ang nararamdaman nya lang ay nasasaktan siya. Labis ang sakit at kirot ang nararamdaman sa puso nya.

Kinuha nya ang kanyang gamot at ininom ito.

***

Jungkook's Pov

Nagising ako dahil sa ingay, kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Gusto kong sigawan ang nag-iingay ngunit nang makita ko kung sino ang nag-ingay. Napatulala ako. Hindi ko akalain na nakikita ko siya ngayon.

Ang lalaking matagal ko ng gustong makita.

Ang lalaking mahal na mahal ko. Sinubukan ko siyang hawakan pero hindi ko siya maabot.
Sa tuwing sinusubukan ko siyang hawakan ay siya namang paglayo nya.

Napahawak ako sa dibdib ko. Nasasaktan ako sa ginagawa niyang paglayo. Gusto kong magsalita kaso walang lumalabas sa bibig ko.

Sinubukan ko ulit siyang hawakan pero unti-unti siyang naglalaho.

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko. Pinilit ko itong sumigaw.

"Mahal kooo!"

Nagising ako habang yung kamay ko ay nakataas na para bang may inaabot.

Panaginip lang pala ang lahat.
Mali mang sabihin ito pero sana hindi nalang ako nagising.

Taehyung when he first came to Canada..

Tae's Pov

Pagkatapos kong magbayad sa taxi ay agad akong nag-door bell. Ilang ulit akong nag door bell bago nila ako pag buksan.

"Ma'am! May multo!!! Ma'am multo!!!"Nagulat ako ng biglang sumigaw at napatalon si indang yung kasambahay namin na paboritong dinadala nila mommy sa ibang bansa.

Alam ko naman na pulang-pula yung mata ko pero di naman ako mukhang multo ah. Kinilabutan ako at unti-unti lumingon sa likuran pota. Ako lang yung tao ah. Iniwang bukas yung gate ni indang kaya pumasok ako at isinara yun.

"Ma? Pa? Yoohooo?"Pinagpapawisan ako habang hilang-hila yung lugagge ko.

Unti-unti akong nakakarinig ng iyakan. Sinubukan kong sundan kung saan ang iyakan.

Dinala ako ng aking mga paa sa tapat ng dati kong kwarto. Nakabukas ang pintuan nito kaya rinig na rinig ang mga iyakan na nagmumula dito.

Hinay-hinay akong naglakad dumako ang tingin ko sa isang urn na may picture ko.

"Pota."Napamura ako na siyang ikinadahilan ng paglingon nila sakin.

Natahimik ang lahat ng makita ako.

Ang unang sumigaw ay si indang nanaman.

"Sabi sayo ma'am may multo! Multo ni sir oh!"Turo ni indang sakin habang nakatago sa likod ni papa.

"Anak? Anak? Ikaw ba yan? Anak ko!"Hinawakan ni mama yung kamay ko, yung balikat ko at huling dumapo ito sa mukha ko na para bang hindi makapaniwala na ako to.

Kumunot yung noo ko ng magsalita ulit si indang.

"Ma'am hala nahahawakan nyo yung multo?! Mygahd!"Gulat nito at tinakpan ang bibig.

Di ko na mapigilang magsalita.
Nagawa pa nila na magbiro kitang broken-hearted ako.

"Ano ba naman yan mamang? Papang naman! Ginawa nyo naman akong patay nyan e! Yung puso ko ang namatay hindi ako!"Umiyak ako na parang bata. Nakakainis kasi.

Bigla nalang akong pinalo-palo ni mama.

"Tangina kang bata ka!! Halos mamatay kami ng malaman namin na nagcrash yung eroplanong sinakyan mo tapos"Hindi na natapos ni mama yung sasabihin nya at tuluyan napaiyak.

"Ma tumigil na nga kayo sa pag-iyak buhay pa ako! Di naman ako namatay ah"Hinahagod ko yung likod ni mama samantalang nakita sila papa na nagpapahid ng luha.

"Ay di pala multo hehe sorry sir"Napakamot si indang sa ulo.

"Edi kanino pong abo to?"

Napag-alaman ko na nagcrash pala yung eroplano na dapat ko sanang sakyan. Kahit na di ako nakasukay dun di ko pa rin maiwasan malungkot nang maalala ko ang dalawang teenager na nakita ko.


•••

Short update hirap mag-isip ng scenes.

Forgotten You (Taekook Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon