(Tagalog-English)
"It is not the physical pain which hurts the most, it is the mental agony caused by someone whom you thought wouldn't hurt you but hurted you."
Started Writing: 7/9/20
Ended: 7/22/20
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sobrang ginaw..
I pulled my hands together at inilagay ito sa bibig para magblow ng mainit na hangin. Ang ginaw grabi.
Muli akong napatingin sa magandang view at naisipan kong kumuha ng mga pictures at video.
"Jungkook, mahal.. tignan mo yun"Turo ko sa mga magagandang tanawin.
"Ang ganda diba? Pero mas maganda kung magkasama tayo"Ngumiti ako ng mapait.
"Mahal.. miss na miss na kita.. sana namimiss mo din ako.."
Yumuko ako sa camera at humugot ng lakas ng loob para tumingin ulit.. at sabihin ang mga gusto kong sabihin na hindi ko masabi kay Jungkook.
"Jungkook.. ang tagal tagal na natin mahal.."Ngumiti ako na may luhang tumutulo sa pisngi ko.
Tumigin ulit ako sa camera.
"Akalain mo yun Mahal, nagtagal tayo di dahil mahal na mahal natin ang isat-isa kundi sa.. pagiging tanga ko"Mapakla akong ngumiti.
"Mahal iwan mo na siya..."
"Ako nalang ulit, jungkook please."Kinagat ko yung labi ko at tumingin-tingin sa paligid...
Pota.
Akala ko ako lang yung umiiyak, halos lahat na nakasakay sa "bus sawi" umiiyak.. yung iba sumisigaw.
Di ko na mapigilan mapaiyak.. bakit kaya kung sino pa yung totoong nagmamahal sila pa yung sinasaktan?
"Jungkook... I want you to fight for us.. to save this relationship..."Napaupo ako sa mabato.
Kasi pagod na akong lumaban mag-isa..."
🎶Giniginaw at hindi makagalaw Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw Kung 'di rin tayo sa huli Aawatin ang sarili na umibig pang muli Kung 'di rin tayo sa huli Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?🎶
Pota. Lumingon ako kung san nanggaling yung kanta.. galing pala sa isa yung nag-eemo din.
Mabilis na dumaloy ang mga luha ko na para bang gustong kumakawala sa mga mata ko.