29

426 20 0
                                    

TWENTY NINE
Vincent's Pov

Kinabukasan maaga akong nagising para bumili ng gatas. Mas lalo akong hindi nakakatulog kapag walang fresh milk kaya no choice ako ngayon. Maggogrocery plus gala edi nays.

Dali-dali akong naligo pagkatapos ay nagbihis din gora. Kinuha ko yung susi ng sasakyan ko tas mabilis na nagdrive.

Ang una kong pinuntahan syempre, Mcdo. Love ko to!

"Isang c2, at coke."Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko din ang inorder ng nasa gilid ko. Nung lumingon ako nanlaki yung mga mata ko nang makita ko kung sino ito.

"Jungkook?"Ngumisi lang ang gago.

"Wow, ang cute nyo naman sir. Magkakilala kayo?"Tanong nung casher sakin.

"Hindi"

"Oo"

Yung hindi sakin. Yung Oo kay Jungkook. Masama ang tingin ipinukol ko sa kanya.

Habang hinihintay ko ang order ko ay naghintay din siya nung sa kanya. Bored ata ang gago at pinagtripan ako. Bumaba siya ng tingin na siyang ikinanuot ng noo ko. Kaagad kong tinakpan ang sa ibaba ko. Manyak amputa.

"Feeling naman"Bumulong pa amputa tas narinig ko lang din naman.

Ngunit biglang napahiyaw ang mga tao nang magsimulang lumuhod si Jungkook. Gulat akong napatingin sa kanya. Nagsimulang mamula yung mukha ko nang marinig ko ang mga sigawan ng mga tao sa McDo.

"Ayieee, say yes"

"Yes na yan"

Mga potcha. Mukha na tuloy akong kamatis. Tinignan ko si Jungkook na ngayon nakaluhod sa harapan ko habang nakangiti o parang nang-aasar amputa sakin. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin.

Ngunit tumahimik ang lahat nang marealize ang ginawa ni Jungkook. Pota. Inayos niya lang yung sintas ng sapatos ko. Napakagat ako sa labi dahil sa kahihiyan.

"Ay, kala namin magpopropose"

Pota. Kala ko din e. Buti nalang dumating na yung inorder ko at kaagad ko itong kinuha at sinamaan ng tingin ang ngayoy tumatawa na parang baliw na si Jungkook.

Pumunta ako sa isang table na may iisang upuan lang. Parang nakatadhana talaga sakin yung table na to.

Masayang masaya akong kumakain ngayon ng biglang may naglagay sa isang upuan sa harapan ko.

Parang nawalan ako ng gana nang makita kung sino ito.

"Pota. Bakit mo ba ako sinusundan? Wala kana bang magawa at ako ang pinagtitripan mo?"Inis na sabi ko sa kanya.

"Wow. Feeling nito, tignan mo nga kung may mauupuan ba ako?"Sabi niya sakin at nagsimulang kumain. Agad naman akong napatingin sa paligid. Wala na nga ibang maupuan.

Tumikhim ako. At uminom ng coke.
Bigla siyang napatingin sakin at ngumisi na siyang ikinataas na naman ng kilay ko.

"Ano?"Tanong ko sa kanya sabay kagat sa burger.

Forgotten You (Taekook Completed)Where stories live. Discover now