7

474 19 5
                                    



SEVEN

Tae's Pov

Excited na excited ako ngayon kasi magdadate kami ni mahal.

Sobrang saya ko ngayon yung tipong parang nakalimutan kong masaktan ng panandalian.

Gusto kong iparamdam kay Jungkook ngayong araw na to na deserving ako.. na sana piliin nya ako this time.

Tanga na kong tanga.. mas mahal ko siya kesa sa sarili ko.

Kahit pa anong sabihin ng iba... kahit pa sinasabi nilang gumising na daw ako sa kahibangan ko... niloloko ko lang daw ang sarili ko kaya sana daw itigil ko na..
Hindi e...para sa kanila oo, madali lang para sa kanilang sabihin yon kasi hindi naman sila ako.. ang hirap kasing pakawalan ni Jungkook dahil nakatali na yung pagkatao ko sa kanya.. para sakin siya na yung taong gusto kong makasama pamhabang buhay. Mali ba ako? Mali ba akong piliin ang siyang ikakasaya ko? Na at the same time alam kong ikakasakit ko din.

Pumunta ako sa paborito naming park ni Jungkook. Dito kasi yung usapan namin na magmeet. Tumitingin-tingin ako sa paligid ng may malapad na ngiti.. ang saya ang daming couples. Naiisip ko din na ganyan kami ni Jungkook, holding hands yung tipong may pasway sway pa.. ang sweet shet.

Di ko mapigilan kiligin ng maisip ko yun.

Bigla nalang nag ring phone ko and it was Jungkook.

Kinagat ko muna yung sa ibabang labi ko para itago yung kilig ko.

"Um, tae.. medyo matatagalan ako. Okay lang ba?"Yung na nararamdaman ko unti-unting napapalitan ng kirot. Huminga muna ako ng malalim bago tsaka sumagot.

"Okay lang.. kaya ko naman maghintay basta ikaw yung hihintayin."Ngumiti ako ng mapait na may halong lungkot.

"Sige tae"Nagsalita ulit si Jk.

"Sge, bye mahal I lava lava-"Inend call nya agad di man lang ako pinatapos.

"I love you Jungkook"Bulong ko nalang sa hangin.

Napasulyap ako sa relo ko.

Kaninang 9:03 AM pa ako dito pero ngayon malapit ng mag 11. Kinakabahan ako.. agad ko iwinaglit ang pagiisip ng mali.

"Nagugutom na ako"Di ako kumain kasi gusto kong kumain kasama si Jungkook.

"Darating siya"Pangungumbisi ko sa sarili ko.

Darating nga ba siya? Muli akong napatanong sa sarili.. Jungkook.. ganon mo ba talaga kamahal siya na kahit ako nagawa mong paghintayin ng ganito?

Napakagat ako sa aking labi para patigilin ang mga luhang unti-unting nabubuo. My heart felt sting so I squeezes it.

Tumingin ako sa himpapawid... ngumiti ako ng mapakla. Pati ang langit nakikisabay sa nararamdaman ko.

Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay siyang pagpatak din ng ulan.

Pota wala akong dalang payong.

Luminga-linga ako para maghanap ng masisilungan kaso wala. Wala akong magawa kundi bumalik sa pagkakaupo sa isang bench. Dumapo ang tingin ko sa mga magjowang masaya na kahit walang payong nakangiti parin habang tumatakbo tas magkahawak kamay pa.

Huminga ako ng malalim.

"Mabuti pa sila kahit walang payong, kahit nababasa atleast masaya sila"Pabulong kong sabi.

Kinuha ko yung phone ko na waterproof. Sinubukan kong tawagin si Jungkook. Kaso "The subscriber cannot be reach please try again later" napakagat ako sa labi.. siguro nawalan lang siya ng signal.

I tried to comfort myself. Hinawakan ko yung dibdib ko na kumikirot. Yung mga luha ko patuloy pa rin sa daloy. Biglang nalang umihip ng malakas yung hangin. Nanginginig ako sa ginaw. Gusto kong umuwi kaso iniisip ko na baka papunta na si Jungkook at baka hanapin nya ako. Lumakas na din yung ulan na siyang dahilan ng pagmura ko.

Potaena.

Kinalma ko ang sarili.. pinatigil ko yung mga hikbi at triny kong patigilin yung mga pesteng luha kaso ayaw tumigil e.

"Potaena." Muli akong napamura ng may narinig ako.

"Lagi na lang ganito
Isipan ay gulong-gulo"

Pota. Pano nagkaroon ng music dito sa park?

"Lagi na lang nabibigo
Ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso"

Letse talaga. Wala akong magawa kundi ang umiyak masyadong mapanaket yung kanta.

"Ilang liham na ang sinulat sayo
Ilang luha na rin ang natuyo"

Siguro kahit ilang baldeng luha pa ang iluha ko, di ko pa rin kayang mawala si Jungkook.

"Kailan kaya muling makakatawang
Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?
Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
Kailan? Kailan? Kailan ang dating tayo?"

Napaisip ako.

"Kailan kaya? Babalik pa ba kaya tayo sa dati?
Yung dating masaya tayo.. yung dating mahal mo pa ako."

Muli akong napahagulhol. Okay lang. Wala namang ibang tao sa park ako lang mag isa ang nandito kasi malakas pa rin ang ulan.

"Kung anuman ang totoo
Isip man ay litong-lito
Handang handa akong sumalo
Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso
Ilang awit na ang inalay sayo
Ilang luha na rin ang natuyo

Handa akong umiyak ng umiyak kung yun lang ang paraan para bumalik siya.. kayang kaya ko.

Kailan kaya muling makakatawang
Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip
Kailan kaya..."

"Siguro bumalik na kami sa dati....

Yung mga panahong mahal pa niya yung ex nya..."



Naghintay ako ng 5 hours. Nagkalagnat nalang ako ngunit wala paring Jungkook na dumating.

Forgotten You (Taekook Completed)Where stories live. Discover now