24

399 15 2
                                    

Warning ⚠️ Contains Self Harm

TWENTY FOUR
Third Person's Pov

Tuluyang hindi nakatulog ulit si Vincent
Kinaumagahan puyat na puyat man ay pinilit pa rin nyang bumangon ang sarili.

Dahil mag-isa si Vincent sa bahay nila wala siyang magawa kundi ang ipaghanda ang sarili ng makakain.

Tinamad siyang magluto kaya nag cereals nalang siya.

Pagkatapos nyang kumain ay naisipan nya munang lumibot sa bahay.

Jungkook's Pov

Kinaumagahan ay tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Nagsimula nang tumaas yung mga bigote ko. Yung mata ko na parang nawalan ng sigla.

Napabuntong hininga ako.

At kumuha ako ng cream at nilagay malapit sa bibig. Kinuha ko yung razor. At nagsimulang shinave ang mga bigote ko na hindi pa shinishave simula nung nawala siya.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Unti-unti kong napagtanto na napapabayaan ko na yung sarili ko.

Third Person's Pov

Napagpasyahan ni Vincent na umalis pra bumili ng regalo para sa kaibigan nya. Pumunta siya sa malapit na mall.

Inilibot nya ang kanyang mga mata sa hindi pamilyar na lugar.

Nagpasalamat siya sa mga sign kasi nakatulong ito sa kanya.

Sa kakalakad niya sa mall ay may isang pamilyar na mukha ang tumawag sa kanya.

"Tae? Buhay ka?!"Tinignan siya nito na para bang di makapaniwala sa nakita. At pagkatapos nitong tignan ang mukha nya ay yumakap ito sa kanya.

Pamilyar sa kanya ang taong ito ngunit hindi nya ito matandaan.

"Sino ka?"Walang ibang lumabas sa bibig ni Vincent kundi ang salitang nakapagbitaw sa yakap sa kanya ng estranghero.

"Tae? Nagbibiro ka lang diba? Sabi ko na nga ba hindi ka sumakay!"Akala nito na nagbibiro si Vincent at panay lingon pa sa kung saan-saan upang maghanap ng camera baka daw kasi ginogood time lang siya.

Ngunit napakunot noong tinignan lang siya ni Vincent.

Nagsimulang umiyak ito ng napagtantong hindi mukhang nagbibiro si Vincent.

"Ah! S-sorry a-kala ko kasi i-ikaw yung ka-kaibigan ko"Imbes na umalis si Vincent ay unti-unti nyang niyayakap ang estranghero umiiyak.

"Tahan na"Hinagod niya ang likod nito. Hindi niya alam kong bakit nakaramdam siya ng awa ng magsimula itong umiyak.

Kumalas sa pagkakayakap si Vincent ng maramdamang kumalma na ito.

"Sorry"Napayuko ito at sinimulang pahiran ang mga luha.

Inilahad ni Vincent ang kanyang kamay at nakipagkilala dito.

"I'm Vincent nga pala."Bagamat nagulat ay nagawang kinuha nito ang kanyang kamay at nagpakilala.

"A-ako si Jimin."

Forgotten You (Taekook Completed)Where stories live. Discover now