27

412 17 5
                                    


TWENTY SEVEN
💜💜💜
"Gusto mo talaga malaman Jungkook?"Humarap si Jimin kay Jungkook.

"Oo siya si Tae at hindi siya nakasakay sa eroplanong sumabog."

Halos lumundag ang puso ni Jungkook sa saya ngunit agad din nawala ito ng muling magsalita si Jimin.

"Please kook, wag na wag mo na siyang lapitan tulad ngayon."

"Bakit ko naman gagawin yun Jimin?" Nainis si Jungkook nang marinig niya ang sinabi ni Jimin.

Jungkook's Pov

Hindi ko alam kung magagalit ba ako o hindi nang marinig ang mga pinagsasabi ni Jimin.

"Hindi ka niya maalala, at sana dapat tuluyan ka na niyang hindi maalala."Nagbitiw ulit siya ng mga salitang na parang bumara sa puso ko.

Ngunit bakas sa mukha niya ang pagaalala nang sabihin nya ang mga ito.

"Alam kong hindi ako naging mabuting ex nya Jimin pero wag mo naman akong sabihan ng mga kasinungalingan."Gusto kong magsalita para sa sarili ko. Alam kong naging gago ako pero wag naman sana nila akong ganituhin.

"Ginagawa nyo ba akong katatawan?"Feeling ko ginagawa lang nila sakin to para saktan ako.

Sinisisi ko pa yung sarili ko sa hindi naman talaga nangyari.

Umiling-iling si Jimin habang may mga luhang namuo sa mata niya.

"Jungkook, pinagtangkaan ni Tae yung buhay niya."

Halos hindi ko magawang makapagsalita ng marinig ko ang sinabi nya. Naninikip ang dibdib ko. Nagsimulang tumulo ang luha ko.

Muling sumagi sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Tae.

Hinawakan ko ang dibdiban ko na naninikip.

"S-sorry, sorry, sorry h-hindi ko alam"Napaluhod ako sa harapan ng kwarto ni Tae. Wala akong pakialam sa mga nakakita sa akin. Ang iniisip ko lang ay kalagayan ni Tae.

Muli pa akong napahagulgol ng marinig ko ang huling sinabi ni Jimin.

"May Selective Amnesia si Tae"

Hindi ko na nakayanan pa at unti-unti akong napatayo at nagsimulang maglakad patungo sa pintuan ni Tae.

Habang patuloy na tumutulo yung luha ko ay binuksan ko ang pintuan.

Mas lalong nanikip ang dibdib sa nakita ko.

Yakap-yakap ng iba ang mahal ko.

Vincent's Pov

Nang magising ako hindi ko na siya nakita,yung taong yumakap sakin.

Tinignan ko ang taong nasa harapan ko. Kumunot ang noo ko nang bigla nya akong niyakap. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakayakap nya. Ngunit di ko magawa kaya hinayaan ko nalang.

Unti-unting kumalas si Bogum mula sa pagkakayap sakin. Tinignan ko siya ng masama ngunit nginitian nya lang ako.

"Nagugutom ka ba?"Malambing na tanong nito sa akin. Ngunit umiling ako.

"Gusto ko nang umuwi"Ngumiti ito sa akin.

"Okay sige. Ah nga pala tinawagan ko na yung mama mo. Uuwi daw si Vante dito."Tumango lang ako. At tumigin sa bintana.

"Sige pupunta muna ako sa IA (Information Area)"

Tumango lang ako habang nakakunot yung noo ko.

May nakita ako sa labas ng bintana. Yung lalaking yumakap sakin. Nakaupo siya sa kalsada.Napahilamos ito sa sarili.

Hindi ko alam pero naawa ako sa kanya pero di ko maiwasan yung kirot ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya.

Napaisip ako sa sinabi ng psychiatrist ko.

"Posible nga bang isa siya sa nakalimutan ko?"

Umiling ako. Tumigil muna ako sa pagiisip ng kung ano-ano kasi sumasakit yung ulo ko.

Muli akong tumingin sa bintana ngunit hindi ko na siya nakita pa.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito simula nang makita ko ang lalaking yon.

Ano kaya ang meron sa kanya? Naging parte nga ba siya sa buhay ko?

Sino ka ba talaga Jungkook?

Jungkook's Pov

Hindi ko lubusang maisip na ganon pala ang nangyari kay Tae.
Masyado ba akong makasarili kong hihilingin ko na sana maalala na nya ako?Paano kung tuluyan na niya akong hindi maalala? Hindi ko alam ang gagawin ko.

Muli akong napapikit at inaalala ang mga ngiti niya. Hindi ko na ba talaga makikita ang mga ngiting yun? Mga ngiting misan ako ang naging dahilan?

Nakaupo ako ngayon sa may parking lot at hinihintay ang paglabas ni Tae. Ngunit iba ang nakita kong lumabas yung lalaking tumawag sa kanya ng love. Gusto kong magalit pero naisip ko, may karapatan pa kaya akong magalit?

Dali-dali akong pumasok sa loob at pinuntahan ang kwarto ni Taehyung.
***

Someone's Pov

"Sorry pa, hindi ko kaagad na sagot yung tawag mo pinuntahan ko kasi siya."Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang sigaw ni papa.

"Pota! Kailan ba magiging kayo niyan? Pano ko mahuthutan ang mga magulang niyan?! Ha?!"
Napapikit ako. Naiinis ako.

"Pag hindi pa naging kayo niyan, I am going to cut all your credit cards. Wala kang makukuha na kahit isang piso sakin."Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Nakng.

"Siga pa. I'll do whatever it takes."Nakakainis napahilamos nalang ako sa mukha. Pano kung gagawin talaga yun ni dad? Pota. Edi magiging pulubi ako.

***

"Bakit ka nandito?"Nanlaki ang mata ni Vincent nang makitang pumasok si Jungkook.

"Hindi mo talaga ako matandaan? Ta-

"Vincent"

Nanlaki ang mga mata nila Jungkook at Taehyung o Vincent nang unti-unting bumukas ang pintuan. Kaagad tinago ni Vincent si Jungkook sa gilid ng kama niya.Napakagat sa labi si Vincent bago ito magsalita. At tumingin kay Jungkook na hindi nagpapahalata kay Bogum.

"Bakit?"Tipid na sagot lang ang ibinigay niya.

"Kailan mo ako sasagutin Vin?"Lumingin si bogum sa kanya at ngumiti.

Forgotten You (Taekook Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon