32

385 19 3
                                    

THIRTY TWO
Vincent's Pov

Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko ngayon habang namumula naman yung mukha ko.

"Pwede bang akong manligaw sayo Vincent?"Inulit nanaman niya. Mukha na tuloy akong kamatis. Ganito din naman yung ginawa ni Bogum sakin pero bat di ganito reaksyon ko?

"Vincent?"Tawag niya sakin na siyang ikinagising ulit ng diwa ko.

"O?"lang lumabas sa bibig ko.

"Talaga? Pumapayag kang ligawan kita?"Ang laki ng ngiti nito.

"O nga! Gusto mo bawiin ko?"

"Hindi! Wag! No!"Sabi nito habang humawak pa sa kamay ko. Kinagat pa niya yung labi niya at ngumiti sakin.

"So.. date tayo?"

Wala akong magawa kundi ang pumayag. Pumayag lang ako kasi wala akong choice. Oo tama.

Mabilis akong naligo at nagbihis.

Pagkababa ko nakita ko kaagad si Jungkook na ngiti ng ngiti sakin.

"Anong nginiti-ngiti mo dyan? Tusukin ko yang eyeballs mo! Gawin kong kwekkwek"Di pa rin tumalab yung sinabi ko sa halip ay ngumiti pa ang gago.

Pinagbuksan pa ako ng sasakyan. Wow gentledog.

"Wow naman kinareer talaga panliligaw."Sabi ko sa kanya pagkapasok ko sa frontseat.

"Naman. Mahal ko yung nililigawan ko e."Napatahimik ako dahil sa sinabi niya.

Jungkook's Pov

Dinala ko siya sa paborito naming park. Syempre may sorpresa ako dun. Iniwan ko muna siya saglit sa may bench.

At iniready ang lahat. Pati yung mga ibibigay ko sa kanya. Putik. Kinakabahan ako sana magustuhan nya.

Third Person's Pov

Hindi mapakali si Vincent habang hinihintay si Jungkook. Nilalaro muna niya ang dalawang kamay para maglibang ngunit agad din siyang napatigil nang may nakitang bata na tumigil sa harapan nya at may ibinigay na rosas. Naguguluhan man ay kinuha nya iyon at nagpasalamat sa cute na bata.

"Salamat, baby"Ngiti nya dito. Agad naman nyang napansin ang isang maliit na papel na may nakasulat at binasa nya ito.

"One. You're like a dream come true."
Bagamat nalilito kanina ay ngayon napagtanto nyang isa ito sa pakana ni Jungkook. Wala sa sariling napangiti siya. At may isang bata nanaman na nagbigay ulit sa kanya ng isang rosas may papel din ito kaya binasa nya nanaman.

"Two. Just want to be with you"
Hanggang may sumunod nanamang bata.

"Three. You're the only one for me"
Napatakip siya sa mukha. Hindi nya parin maamin sa kanyang sarili na kinikilig siya sa mga pakana ni Jungkook. Tinanggal niya lang ito ng may maramdaman siyang may tumigil sa harapan nya ngunit alam nyang hindi na ito bata.

"Four. Repeat steps through 3"
Napakagat siya sa labi ng may ibinigay si Jungkook sa kanya na malaking teddy bear na may nakasulat na TK.

"Five. I'll make you fall inlove with me."
Wala sa sariling ibinaon niya ang kanyang mukha sa dibdib ni Jungkook. Nahihiya siya kinikilig.

"Ano ba Jungkook naman e. Ang daming tao"Bulong nya sa dibdiban ni Jungkook. Ngunit iniangat ni Jungkook ang kanyang mukha gamit sng mga kamay nito. Feel na feel nya tuloy na babaeng babae siya ngayon.

"Mahal, look"May kinuha si Jungkook sa likod ng buhok nya at ipinakita sa kanya ang isang rosas na kulay pula na may maraming glitters. Manghang-mangha si Vincent nang makita iyon at mas lalo siyang namula ng kinuha ni Jungkook ang kamay nya at hinalikan ito at inilagay ang rosas sa kamay niya.

"Tara, lets go. Gutom kana siguro, di ka pa naman nagbreakfast."Hawak-hawak ni Jungkook ang mga kamay ni Vincent habang nakatulala naman ito sa rosas at napatingin sa kamay nila ni Jungkook.

At sunod na dinala ni Jungkook si Tae sa isang restaurant na may kakaibang design. Ang mga nagdadate sa restaurant na ito ay nasa loob ng isang maliit na parang bahay.

Pagkapasok nila, napanganga si Vincent nang makita ang mga lights. At ang paborito nyang kulay purple.Habang si Jungkook ay napangiti ng makita ang reaksyon nya.

"Vincent? Tara kain na tayo"Agad na itinikom nya ang bibig at napatingin kay Jungkook

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Vincent? Tara kain na tayo"Agad na itinikom nya ang bibig at napatingin kay Jungkook. Hindi nya alam kung ano ang maramdaman ng mga sandaling iyon.



•••

Guys!!! Malapit ko nang tapusin to. Maraming salamat sa patuloy pa rin na nagbabasa. Basta ang masasabi ko lang TAEKOOK IZ REAL💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜

Forgotten You (Taekook Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon