3

481 18 1
                                    

THREE

Tae's Pov

Can I wish? Can I forget him and forget this feelings?

Gusto kong makalimot. Limutin ang potanginang pagibig na to!

Ilang araw ng hindi nagpaparamdam si Jk. At ilang araw na rin akong hindi pumapasok sa office. Okay lang samin naman yun e.

Nasa isang bar kami ngayon ni Jimin at ang bruha ayun nakipag make out sa isang lalaking katulad nya din pandak.

Mga letse!

Kaso ang pinakaletse sa lahat ay yung banda. Nagpapatugtog ng potangenang kanta na sobrang sakit.

"Para sa mga broken-hearted dyan! Itong kanta na to para sa inyo!"

"Yesss!!!"

"Woooohooo"

Sigaw ng mga potangena.

Sisigaw na sana ako kaso ng marinig ko yung kanta napatungga ako ng beer.

"Umuwi nang tila bang lahat nagbago na
Nawalan na ng sigla ang 'yong mga mata"

Pota naman e, at tuluyan na akong napaiyak.
At naalala na naman yung mga oras na umuwi si Jk sa condo na para bang alam ko na may nag iba.

"Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi
Kahit na magdamag na tayong magkatabi"

Natulog pa siyang katabi ako kaso nagiba na yung posisyon namin.. parang dati lang na magkayakap kami sa tuwing natutulog kami. Pero yung mga oras na yun, magkatalikod kami sa isat-isa.

"Bakit ka nag-iba?
Mayro'n na bang iba?"

Wala naman kaming problema. Hindi kami nag-away nun. Masaya naman kami nun ah kaso isang gabi ng umuwi siya at naligo muna bago matulog ay may nakita ako sa phone niya.

"Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang umalis
Umalis"

Binigay ko ang lahat sa kanya. Ako yung nagpuno sa mga kulang ng ex niya. Ako yung bumuo ulit sa puso niya kaso hindi ko lubusang maisip na sa bawat pagmamahal ko sa kanya ay nagkapira-piraso ang puso ko. At sa bawat pagiintindi ko sakanya ang bawat piraso ng puso ko ay napupunta sa puso nya.. para mabuo ito..at tuluyan ngang nabuo ito at sa huli ang puso ko naman ang nawasak.

"Tae, tama na yan iuuwi na kita"Sa pagdadrama ko di ko namalayan na hila-hila na ako ni Jimin.

***
Kinabukasan

Nasa kama ako. Nageemote nanaman at hinihintay pa rin ang reply ni Jungkook. Nagkalat ng tissue paper sa kama ko. At yung mata ko na parang kinagat sa bubuyog dahil sa kakaiyak. Habang hawak ang litrato namin ni Jk.

Akala ko ba tuluyan kanang nakamove.on kana Jungkook?  Potangena kasi e! Bakit kapa kasi bumalik ha! Letseng ex! Kainizzzzxxxx

Hindi ko mapigilan ang luhang pumapatak nanaman. At panay inom din ako ng tubig kasi feeling ko nadidehydrate ako.

Akala ko hindi niya ako magagawang saktan. Ang tanga tanga ko.

Biglang nagring yung phone ko. Ayaw ko sanang sagutin kaso marupok ako e.

"Tae..."Bakas sa boses ni Jungkook ang lungkot.

Hindi pa rin ako nagsalita.

"Tae, I'm sorry."

Hindi pa rin ako nagsasalita.

"Tae, magkita tayo bukas. Same time, same place."Ang tinutukoy nito ang paborito namin restaurant.

"Tae, sumagot ka naman-"

"Okay."Agad kong inendd call at inioff phone ko.
Di ko mapigilang magisip ng kung ano-ano...
Siguro tatapusin na nya yung relasyon namin.

Forgotten You (Taekook Completed)Where stories live. Discover now