15

472 20 10
                                    

FIFTEENTH
Sometimes you have to let things go even if there was nothing that you were holding onto in the first place
-unknown.

Third Person's Pov

Pagkabukas ni Jungkook sa aparador, nagulat siya at di makapagsalita ng makita niyang si Tae na nasa loob nito na nakikipagtitigan sa kanya.

Di na nakayanan ni tae kaya lumabas siya sa aparador. Dali daling nagbihis si jungkook ng pambaba para habulin si tae.

Mabilis si Jungkook kaya naabutan niya si at hinawakan ang braso nito para tumigil sa kakatakbo.

"Tae let me explain please" Umiiyak na sabi ni Jungkook.

Humarap si Tae kay Jungkook.

"Explain? Haha nagpapatawa ka ba jungkook?"
Kinalma ni Tae yung sarili nya bago ulit magsalita.

"Jungkook, nakita ko yung mga kababoyang ginawa nyo! Kitang kita ko Jungkook e, gusto mo ako na mag explain? Gusto mo by details e explain yung kababoyan na ginawa nyo?"

"Tae please just hear me out just this once please. Its just a mistake." Pagkatapos sabihin ni Jungkook yun sinampal siya ni tae.

"Mistake? Haha potangina. Alam mo jungkook, kayang kaya kong gawin sayo yun! Kayang kaya kong humanap ng iba! Kayang kaya kong humalik ng iba! Kayang kaya ko din makipag sex sa iba tapos makikipag sex ulit sayo jungkook...Kayang kaya ko din gawin yun sa condo natin e"Napahilamos si tae sa mukha.
Natahimik si Jungkook hindi niya magawang magsalita.

"Kaso jungkook.. alam mo ba kung ano ang hindi ko kayang gawin??? Ha?! Hindi ko kayang mag magmahal ng iba jungkook.. e"Tuluyan ng umagos ulit ang mga luha ni Taehyung at mas lalong naiyak si Jungkook.

"Kayang kaya ko din na saktan ka in the same way you hurted me! Kaya ko din maging masama, maging bato jungkook. Kaso hindi ko ginawa.. kasi walang tao ang deserving na saktan jungkook.. hindi ikaw..

Tinuro ni Tae si Jungkook..

"At mas lalong hindi ako." At tinuro ang sarili.

"Binigay ko sayo yung best ko.. pero anong nakuha ko? I took all the worst in you"

"Pero hindi ako galit sayo Jungkook. Galit ako sa sarili ko.. galit ako sa pagiging marupok ko na kahit isang ngiti mo lang, isang sorry mo lang, isang halik mo lang parang tinutunaw na nito yung mga galit ko.. pero jungkook.. halos 6 taon ako yung bumuo sa nawasak mong puso! Pero anong ginawa mo?! Ikaw din pala ang wawasak sa puso ko! Ang tanga tanga tanga ko.. kasi naniwala ako.. naniwala akong hindi mo ulit magagawang lokohin ako.. sa loob ng anim na taon nating pagsasama marami kang ginawang masakit sa akin na dahilan para sumuko ako..pero hindi ako sumuko Jungkook, kasi alam mo? May pinanghahawakan akong isang dahilan.. yun ay ang salitang Mahal mo ako." Hindi nakapagsalita si Jungkook at nanatiling nakikinig sa mga sinasabi ni Tae.

Napayuko si Tae at nagsimulang magsalita ulit,

"Kaso naisip ko rin yung sarili ko..

pano ako? Awang awa na ako sa sarili ko Jungkook. Pero yung kaisa? Dalawa? Potangina jungkook! Hindi ako robot.. tao ako.. taong nasasaktan at marunong sumuko."

Forgotten You (Taekook Completed)Where stories live. Discover now