8

476 21 4
                                    


EIGHT
"Ang tanga ay napapagod din"

Third Person's Pov

"Ano? Iiyak ka nanaman? Tatanga-tanga ka nanaman?"

Pangagaral ni Jimin sa kaibigan.

"Tae naman e! Hindi vitamins ang pagiging tanga kaya wag mong araw-arawin.."Awang awa na si Jimin kay Tae.

Napahulghol si Tae.

Umiiyak siya hindi dahil masakit yung kasu-kasuan dahil sa lagnat niya...

Kundi,
Umiiyak siya kasi masakit yung puso niya.

"Tae naman! Oo kaibigan ko din si Jungkook pero peste siya." Napasabunot si Jimin sa sarili.

"Tae itigil mo na yan.. hindi na tama yan tae.. sobrang mali na tae. Sinasaktan nya lang yung puso mo"tuluyan na din napaiyak si Jimin.

"Okay lang. okay lang na masaktan ako basta ba hindi lang siya mawawala sa akin."Sabi ni tae at pinahiran ang luha tsaka ngumiti ng mapait.

"Anong okay? Hindi okay yun tae!! Nasasaktan kana tae!"Umiyak ng umiyak si Jimin nasasaktan siya para kay tae.

Tae's Pov

"Anong magagawa ko? Siya lang ang kumukompleto sa pagkatao ko" Sabi ko at tsaka huminga ng malalim.

"Tae, kahit minsan lang.. gamitin mo naman muna yung utak mo! Hindi yung puro puso ka lang."Napabuntong hininga si Jimin.

"Jimin, kapag ba ginamit ko yung utak ko magiging masaya ba ako?"

"Tae naman.. hindi kapa ba napapagod sa pagiging tanga?"Napatigil ako sa pag-iyak at iniyuko ang ulo ko. Napaisip ako. Hindi nga ba?

Kinagat ko yung labi ko.

"Pagod na pagod na ako.. pagod na ako Jimin."

Tumingin ako sa kamay ko na nababasa na sa mga luha ko.

"Pagod na ako.. sobrang nasasaktan na ako...sobrang sakit Jimin e.. pero di ko magawang isumbat kay Jungkook lahat ng 'to" Sabi ko.

"Tae, pwede mong isumbat kay Jungkook yan. Kasi nagmahal ka lang tae."Hiniwakan ni Jimin yung kamay ko at inilagay sa dibdib ko.

"Kung masakit dito.. edi ipahinga mo muna."Ngumiti siya bigla na siyang nakitaan ko ng ginhawa.

"Pwede mo naman yang ipahinga kung gusto mo.. tsaka kapag feel mo naman maging tanga ulit edi gorabells!"

Napangiti ako ng marinig ko yung huling sinabi nya.

"Sige."

***

Napaisip ako sa sinabi ni Jimin.
Magpapahinga muna ang puso kong napagod... para next time energetic siya para maging tanga ulit.

Since palagi akong nagtetext kay Jungkook.. na halos araw-arawin ko na. Hindi muna ako nagtext sa kanya at tinanggal ko yung sim card ko. Pati social media accounts deactivated na lahat.

Where do broken hearts go nga ba?

Edi sa baguio.

Magvavacation ako for 3 days sa baguio.

Sabi nga nila ang Baguio ay swak na swak para sa mga broken-hearted, kasi ang cold dun.. kasing cold ni Jungkook.

Napangiti ako ng mapakla habang nageempake sa mga gamit ko.


Pagkatapos kong magempake ay kinuha ko yung camera.. yung camerang maraming memories namin ni Jungkook.

Isasama ko to. Iisipin ko nalang na kasama ko si Jungkook.




***

Nakasakay na ako sa airplane ngayon.

Ang ganda ng araw..mabuti pa siya kaya niyang lumitaw na para bang hindi nanggaling sa paglubog.

E ako kaya? Kakayanin ko kaya?

Pagkatapos ng isang oras we landed on the Loakan Airport.

Kaagad akong may nakitang sign na "Where do broken hearts go? Dito na sa Baguio!" Na iwinagayway ng isang matandang lalaki na tsansa nasa edad 40 plus.

Akala ko ako lang.. marami pala kaming bakasyonista na sawi.

Halos lahat ng mga pasahero naka itim na jacket. Nagmumukha tuloy akong cherry sa ibabaw ng dark chocolate na cake. Naka red kasi ako na jacket.

Sa di kalayuan may naghihintay sa amin na bus. Na may nakasulat "Bus ng mga Broken Hearted"

Potcha.

Pumipila muna kami kasi kailangan e check yung name kung nasa listahan ba.

Habang pumipila ako ay may biglang kumalabit sa akin.

"Kuya, pwede bang picturan moko?"Tanong ng isang babaeng may maikling buhok. Yung mata niya parang uod. Mukang kagagaling lang sa iyak.

Tumango ako. At kinuha yung cellphone nya.

***

Since kumain na kami before sumakay gomora na.

Lumipas ang isang oras ay dumating na kami sa unang distinasyon.

Strawberry Farm in La Trinidad.

Pagkababa namin kinuha ko kaagad yung camera.

Ngumiti ako sa camera at tsaka nagselfie.

Napabuntong hininga ako. Parang may kulang..

"Iba pa rin kapag kasama kita..

Mahal."

Forgotten You (Taekook Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon