26

417 18 1
                                    

TWENTY SIX
Jungkook's Pov

Nakatingin ako ngayon kay Vincent na kamukhang-kamukha ni Tae ngunit magkaiba sila. Si Tae palangiti ngunit siya hindi. Si Tae palasalita ngunit siya tahimik.

Hindi ko magawang makipagtawanan, makipagtitigan sa mga kaibigan ko kasi yung mga mata ko isang tao lang ang gusto tignan.

Bawat galaw nito ay inoobserbahan ko.

Gusto kong paniwalaan na hindi siya si Tae pero yung puso ko ay pinipilit na siya si Tae.

Bigla akong napaiwas ng tingin ng tumingin siya sa gawi ko. Namula ang buong mukha ko.

Muli akong tumingin sa gawi niya ngunit nawala siya. Lingon ako ng lingon pero hindi ko siya makita kaya sinubukan kong tumayo at hanapan siya.

Pumunta ako sa terrace ngunit bigo akong makita siya dun. Ngunit nagbabakasali ako na nasa cr.

Pumasok ako cr. Tinignan ko isa-isa ang cubicle ngunit walang siya ang nakita ko.

Bagsak ang dalawang balikat ko ng mapagpasyahan kung lumabas sa cr.

"Ako ba ang hinahanap mo?"

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pamilyar na boses.

Napalingon ako.

Hindi lang sila magkamukha pareho din sila ng boses.

Vincent's Pov

Bakas ang gulat sa mukha ng lalaking kanina pa tingin ng tingin sa akin. Hindi ako alam pero naiinis ako na masaya sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.

"Bakit mo ako hinahanap?"Hindi ito nakapagsalita.

Pinag-aralan ko ang mukha niya.

Pamilyar ang mukha niya kagaya nung Jimin na nakilala ko kanina.

Ngunit magkaiba ang nararamdaman ko sa kanila. Kay Jimin masaya ako. Ngunit sa kanya gusto ko siyang hawakan pero at the same time hindi ko siya gustong makita.

"A-ako pala si Jungkook" Inilahad nya yung kamay niya naguguluhan ako sa inaasta niya. Yung mga mata niya sa tuwing tinitignan ako ng mga ito ay para bang matagal na siyang nangungulila sakin.

"Ah ganon ba"Kinuha ko ang kamay nya para makipagshake hands. Ngunit bigla akong nakaramdam na parang nakuryente sa kamay nya.

Sinubukan kong kunin pabalik ang kamay ngunit mahigpit niyang hinawakan ito.

"Y-yung kamay ko"shet. First time kong mautal.

Mautal sa estranghero.

"Ay sorry"Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis nang marinig kong sabihin niya yung salitang sorry.

Unti-unti akong napahawak sa pisngi ko.
Tumingin ako sa itaas. Pero wala namang tumutulo dun. Napagtanto kong galing pala sa mata ko.

"Okay ka lang?"Nag aalalang tanong niya.

Pero sa halip na magsalita ako ay napahawak ako sa ulo ko.

"Bakit? Baaakit?"Umiiyak ako. Hindi ko maintindihan sobrang sakit ng puso ko. Na parang pinipiga ito.

Pero mas lalong sumisikip yung puso nang hawakan niya ako.

"Wag, wag mo akong hawakan"Umiiyak na sabi ko.

Pero sa halip na bitawan niya ako ay bigla nya akong niyakap.

Hindi ko alam ngunit unti-unti akong kumalma at unti-unting pumipikit ang mga mata ko.

Third Person's Pov

Everyone turned their heads when they saw Jungkook holding Vincent in his arms.

Lahat ng atensyon ay nasa kanila ni Jungkook.

"Anong nangyari sa kanya?"Bungad ni Jimin ng makalapit siya sa kanila.

"Bigla siyang nahimatay"

Kaagad na inilagay ni Jungkook sa backseat si Vincent kasama si Jimin.

Dinala nila ito sa malapit na hospital.

***

"Ano pong nangyari sa kanya doc?"

"He collapsed because of shock"

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

Gulong-gulo na si Jungkook samantalang si Jimin ay may alam na ng marinig ang sinabi ng doctor.

"Did he suffered from memory loss?"

Napakagat sa labi si Jimin samantalang si Jungkook ay naguluhan.

"Opo."

Nagulat si Jungkook nang marinig ang sinabi ni Jimin. Gusto nyang tanungin ito ngunit may biglang may dumating.

"Love? What happened to him?"

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang manliligaw ni Vincent si Bogum.

Si Jimin ay nagulat ngunit si Jungkook ay hindi sa halip ay kumunot ang noo nito ng marinig ang pagtawag kay Vincent ng love.

Nag-usap ang doctor at si Bogum.

Habang sila Jimin at Jungkook ay lumabas. Aakmang aalis si Jimin ngunit pinigilan siya ni Jungkook.

"Bakit may alam ka kay Vincent?"

Napakagat sa labi si Jimin nang mapagtanto niya ang sinabi kanina sa doktor tapos sa harap pa ni Jungkook.

"Wala ka nang pakialam dun"Sinubukan magmatigas ni Jimin ngunit di parin nagpaawat si Jungkook.

"Teka, may alam ka ba sa nangyayari Jimin?"Hindi nakapagsalita si Jimin.

"Siya ba si Tae?"

Forgotten You (Taekook Completed)Where stories live. Discover now