22

436 19 0
                                    

TWENTY TWO
Third Person's Pov

"Love? Are you really leaving? What about me?"Ngumuso-nguso si Bogum na manliligaw ni Vincent.

"Edi sumunod ka." Tipid na sagot ni Vincent.

Nasa airport sila ngayon.

Hinatid lang ni Bogum si Vincent kahit labag sa kalooban nya ang desisyon nito.

"You know I need to do some work there."Walang ganang sagot ni Vincent nito.

Hindi naman sa ayaw niya kay Bogum kaso lang wala siyang maramdaman.

It was because of 1 year ago.

Simula nung magising siya sa ospital. Parang ng manhid yung katawan nya. Walang siyang maramdaman. Para sa kanya parang siyang isang bote na walang laman. Kasi hindi siya nakakaramdam ng kung ano. Hindi siya naiiyak sa tuwing nanonood sila ng nakakaiyak na palabas ni Bogum.

At nagagalit siya kapag may isang taong nakakagawa ng konting mali sa harapan niya.

Pero kahit na ganyan si Vincent ay tiniis siya ng isang taon ni Bogum. Matagal ng nanliligaw si Bogum sa kanya. They first met in a a party.

Party kung saan ang mga influencial na tao lamang ang pwede dun. At since mayaman sila Vincent siya ang umattend in behalf of his family.

Inaapproach siya ni Bogum pagkatapos nyang mag speech sa formal party.

***

"Mr. Jeon, the president wants you to escort his daughter. He wanted you to bring her safe to their mansion."

Sabi ng katrabaho ni Jungkook gusto sana nyang humindi kasi hindi naman siya bodyguard, office man siya. Kaso siya yung pinagkakatiwalaan nung President nila.

"Ngayon na ba?"Tanong nya dito.

"50 mins from now."

Bagaman labag sa kalooban ay umalis nalang si Jungkook at pumunta sa airport.

Dumaan ang 20 minutos ay narating din nya ang airport. Mabilis niya kasing pinatakbo ang sasakyan.

Naghihintay siya sa waiting area para sa mga International flights.

Habang naghihintay si Jungkook ay tinignan nya muna yung picture na sinend sa kanya. Yung anak ng president nila sa company.

Habang tingin ng tingin ay nakita nya na ito sa malayuan kaya kumaway siya dito.

Habang kunakaway si Jungkook may nakita siyang pamilyar na bulto na nasa likod sa anak ng boss niya.

Napatulala siya ng makita ang mukha nito.

Biglang nakaramdam si Jungkook ng panginginig ng makita ang pamilyar na mukha sa malayo. Natigilan siya at unti-unting nawawala yung ngiti ni Jungkook para bang huminto saglit ang oras at nagsimulang tumulo ang mga luha niya.

Ngunit napapikit siya saglit ng may lumapit sa harapan niya.

Yung anak ng boss niya. Napatingin siya nito at nagulat naman ang anak ng boss nya ng makita ang luha sa pisngi ni Jungkook.

Forgotten You (Taekook Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon