13

449 19 0
                                    

THIRTEEN

Kinabukasan

Nung gabing yon hindi umuwi si Jungkook habang si Tae iyak ng iyak.

Maagang umalis si Taehyung sa condo at pumunta sa office ng mukhang galing boxing, yung mata niya kasi mugtong-mugto sa kakaiyak. Kaya wala siyang magawa kundi magshades.

"Oh, bruha bat ganyan ang peg mo? Namatayan?"Bungad sa kanya ni Jimin. Ngunit nilampasan niya lang ang kaibigan at pumunta sa table niya. Ngunit di pa rin siya tuluyang tinigilan ng kaibigan.

"Ano? Naghiwalay na kayo? Tru na ba dis time? Wala na bang comeback?"Tinapunan siya nito ng maraming tanong. Ngunit di pa rin nagsasalita si Tae kasi once na nagsalita na siya maiiyak nanaman siya.

"Tanggalin mo nga yang sunglasses na yan, nagmumukha kang nawawalang bulag at napunta sa office"Triny magjoke ni Jimin kaso waley. Pagkatanggal ni tae sa sunglasses niya wala na siyang kawala sa bunganga ng kaibigan.

"Yan na nga yung sinasabi ko! Bakit kasi di kapa matauhan? Tae naman bakit mo kasi binigyan ng chance? Ano nanaman naging dahilan?"Huminahon si Jimin ng mapagtantong iling ng iling si Tae.

"A-ako kasi yung may kasalanan this time chim.."Nagsimula nanamang umiyak si Tae.

"Ano ba kasing nangyari?"Tanong ni Jimin habang hagod hagod ang likod ng kaibigan.

"Kasi, naghinala ako kay Jungkook tapos... tapos chineck ko yung phone nya pero wala akong nakita kaya di maiwasang maging praning chim, kasi minsan na din niya akong niloko"Umiyak na ng tuluyan si Tae.

"Tae, di ka pa ba napapagod sa kakaiyak kay Jungkook? Kasi ako yung napapagod sayo e! Kainez! Alam mo kasi tae.. kapag ang taong nakaranas ng lokohin di rin nito maiwasan matakot na baka lolokohin ulit siya.."

"Nakatatak na yun sa isip ng taong niloko tae.. di na yun mawawala pa.. kaya kong ako sayo kung sa tingin mong niloloko ka ulit dapat yung nasaksihan mo, dun ka kaagad magfreak out charot lang."Unti-unting huminahon sa pag iyak si tae.

"Kapag niloko ka ulit tae, sana wag mo na siyang bigyan ulit ng chance.. chance na lokohin ka niya ulit."

***

"Pota mingyu! Anong gagawin ko?"Napasabunot si Jungkook sa ulo kasi wala siyang maisip.

"Gagu! Ano bang ginagawa mo pag galit si lisa sayo? Edi gawin mo din kay tae!"Sagot naman ni mingyu kay Jungkook.

"Pota naman e! Di ko nasusurprise si lisa, pota talaga nito"

"Gagu kaba? E ano ba ginagawa mo pag galit si lisa?"Tanong niya sa kaibigan na stress na stress sa kakaisip ng surprise para sa nobyo nito.

"Nakikipagsex."Sagot nito at kinagat ang labi.

"Potangena. So first time mo magsurprise ng jowa ngayon?"Natatawang sabi mingyu. Tinulungan nalang niya yung kaibigan.

***

Third Person's Pov

"Tae, hindi tubig yang alak! Pota. Hinay hinay sa kakainom maawa ka naman sa kidney mo!"Sigaw ni Jimin sa kaibigan na tungga ng tungga ng beer.

Forgotten You (Taekook Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें