Prologue

130 68 50
                                    

Again this story is part of my imaginations,don't expect na it's really good.I just want to share my imaginations❤❤

********


Tahimik payapa at malamig na simoy nang hangin ang bumungad sakin.Isang pakiramdam na gusto kong laging maramdaman.

Na dito ko lang mararamdaman sa isla Verde.Kung saan namulat ang mga mata ko sa kahirapan.

Nararamdaman ko na ang panghihina at ang pag-sikip ng dibdib ko.Pero hindi ko ito ininda at tumingin lang ako sa karagatan.Ang paghampas ng alon sa aking talampakan,ang bumubuhay sa aking kalooban.

Agad akong napalingon sa aking likuran ng banggitin niya ang pangalan ko.Parang buhos ng ulan ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

Isang bagay na ayaw kong nakikita sa kanya.

"Wag kang lumapit" Mahinahon na sabi ko.

Pero hindi niya sinunod ang sinabi ko dahil ngayon,ilang hakbang nalang niya ay nasa tapat ko na siya.

"B-bakit hindi mo sakin sinabi?"
Umiiyak na tanong niya.

Agad akong napayuko sa sinabi niya,dahil kahit ako hindi ko masasagot ang tanong niya.

"P-please answer me,why?!"

"Dahil hindi tayo pwede naiintindihan mo ba?hindi tayo....p-pwede,Umalis ka na"
Pinilit kong gawing galit ang tono ng pananalita ko.

"Hindi ko alam na ganyan ka pala kabilis na sumuko"Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya sakin.

Agad akong napaupo sa kinatatayuan ko,wala akong pakealam kung mabasa ako.
Ang pagtalikod niya sakin ay hudyat na tapos na ang lahat sa amin.

Kung pwede ko lang sabihin sayo lahat......ginawa ko na.

Mahal kita......


Ahh!super corny po huhu.But still hoping na babasahin niyo hehe❤

-Baliw na manunulat.

Our chaotic loveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora