Chapter Eight

41 38 3
                                    


Ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Dennise at yung pagtrato niya sakin.

Hindi niya din binigay sakin yung sobre,sabagay wala naman akong panahon para basahin yon.Sinabi din niya sakin na babalik siya ng manila bukas,at sa isang linggo pa ang balik niya.
Gusto ko mang tanungin ay ayoko,dahil nawewerduhan ako sa trato niya sakin.

Dahil hindi ako makatulog ay lumabas muna ako at pumuntang sa living room.

"Pero alam kong sakin yun"
Boses ni Dennise yun ah.
Dumungaw ako sa bintana,hindi ko makita kung sino yung kausap niya.

"Patawad binibini....pero may ibang tinitibok ang puso ko"
Nanlaki ang mata ko sa narinig,boses ni Manuel?

Mag-kausap ulit sila?

"Pagsisisihan mo ito Manuel" Inis na sabi sa kanya ni Dennise at mabilis na pumasok dito.

Agad akong napatakbo sa kwarto,ayokong sabihin niya na nakikinig ako sa usapan nila.

Which is...totoo naman.

Nagtaklubong lang ako nang kumot ng maramdaman ko na pumasok si Dennise.
Ano kayang sasabihin niya?

"Tulog ka na pala,gusto lang sanang sabihin sayo na....hindi siya mapapasayo Suzanne" Kinilabutan ako sa sinabi niya at yung pagkakasabi niya.

Sinong tinutukoy niya?

Nang maramdaman kong umalis na siya ay tinanggal ko na yung kumot,at sinarado yung pintuan.

*******

"Binibini!!" Nagulantang ako sa sunod sunod na malakas na katok.Mabilis akong bumangon at binuksan yun.

Isang babaeng maputi at may katangkaran ang bumungad sakin."Bakit?"Tanong ko.

"Ang ama po ni ginoong Manuel....sumakabilang buhay na" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Si mang Ruffo?patay na?wth!

"Nasan sila?!" Pasigaw na tanong ko.

"Halika binibini, sumunod ka sakin at ating pupuntahan" Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod.Nakapajama pa ako pero wala akong pakealam.

Naaawa ako kay mang Ruffo,kahit hindi kami ganun kaclose.Alam kong mabuti siyang tao.

Nakarating naman kami sa may liblib na gubat,don ko lang din nakita ang mga nagkukumpulang tao.

At nakita ko ang tao na dati ay walang sawang ngumingiti,na ngayon ay walang sawang pumapatak ang kanyang mga luha.

Our chaotic loveWhere stories live. Discover now