Chapter Nineteen

26 22 0
                                    

Heto ako at pinapanood habang inaayos ang balsang paglalagyan ng bangkay ni Manuel.

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari, hindi ko pa din matangap ang lahat.

"Anak kumain ka na muna please,namumutla ka na" Paalala ni mommy,nandito din si daddy.Nandito sila sa tabi ko,pero pakiramdam ko mag-isa ako.

Lumapit ako sa bangkay ni Manuel na hindi pa sinasakay sa balsa.Hinawakan ko ang mukha niya,ang buhok niya at ang palad niya.

Wala na...wala na talaga ang taong mahal ko.

Pinigilan kong wag maiyak dahil masyadong maraming tao.Pero sadyang masakit na nang nararamdaman ko,umiiyak ako na hindi nila naririnig.

Napahawak na din ako sa mukha ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.Pinipigilan ko din na wag tuluan ng luha ang katawan niya,dahil masama daw iyon sabi dito.

Nakatingin pa din ako sa bangkay niya,sobrang putla na nito pero mababakas mo pa din ang taglay niyang kagwapuhan.

Napangiti ako nang maalala ko ang unang pagkikita namin.Bumaba siya sa hagdan dahil sa pusa niyang itim na tumalon.

At sa pagtratranslate niya ng english na sinabi ko sa tagalog ,na mali naman.

Sa pagsama niya sakin sa paglibot dito sa isla verde.At sa sabay naming panonood ng paglubog ng araw,na ang paniniwla ay hindi matutupad ang mithiin mo.

At sa tingin ko....

Tama nga ang kasabihan nila dito,dahil ang hiniling ko ay makasama si Manuel ng matagal pero....

Wala na siya.

Tuluyan na akong napahagulhol sa isiping hanggang sa alaala ko nalang siya makikita.Ang mga ngiti niya...ang mga ngiti niyang nagbibigay sakin ng sigla.

Naramdaman ko namang may humawak sa braso ko,pinunasan ko muna ang luha ko bago lumingon sa kanya.

"Oras na binibini" Malungkot na sabi ni Matteo,tumango nalang ako bilang sagot.

Tumayo na din ako at inalalayan nila mommy,lumapit din ako kay Jacob na walag patid ang pag-iyak.

Alam kong mas nasasaktan sila.

Sinindihan na ang balsa...hudyat na ipapaanod na ang bangkay niya.Agad pumatak ang luha ko ng ang tumugtog ay yung kanta nung birthday ko...nung araw na nagsayaw kami at nung araw na binigyan niya ako ng kwintas.

Our chaotic loveWhere stories live. Discover now