Chapter Eighteen

21 20 0
                                    

Hindi ko alam na sa ganitong posisyon ako mapapanatag.
Ang makayakap siya habang umiiyak,nagpapasalamat ako dahil ako ang nasa tabi niya nang ganitong sitwasyon.

"Binibini umuwi na tayo" Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong sumang-ayon sa kanya.

Bumitaw na din siya sa pagkakayakap,nakatingin siya sakin ng may mga ngiti sa labi.

"Tara" Sabi niya sabay lahad ng palad niya sakin,na mabilis ko namang tinanggap.

"Salamat at hindi ka nagalit sakin" Pagkukuwento niya habang nasa daan kami.

"Ikaw nga dapat ang magalit sakin" Malungkot na sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Bakit naman ako magagalit sayo binibini?" Tanong niya.

"D-dahil kung h-hindi ako napadpad d-dito buo pa sana kayo nila aleng Leonor at mang Ruffo" Nakayukong sabi ko,bahagya kaming tumigil sa paglalakad.

Kinapitan niya ang mukha ko,nakatingin din siya sakin ng diretso."Wala kang kasalanan,ito ang tadhana natin.namin"
Malungkot na sabi niya.

Ako ay napayuko nalang dahil sa sinabi niya."Pwede kang maging testigo para makulong si Dennise at mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang mo"Napaiwas naman siya ng tingin sakin.

"Patawad binibini gustuhin ko man ay hindi pwede"Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"Bakit?" Nalilitong tanong ko.

"Dahil mamamatay ka kapag ginawa niya yon" Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko.

Dahil sa sinabi ni Dennise.

Sabay kaming lumingon ni Manuel sa kanya at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Kasama niya si Baldo at yung dalawang humabol samin.Kapit kapit ni Baldo si Lahorra, at yung isa naman ay kay Jacob at kay Matteo.

May dala silang baril na labis na ikinatakot ko,galit na galit namang tumingin sa kanila si Manuel.

"Hindi ito ang pinag-usapan"
Seryosong sabi ni Manuel na ikinahalakhak ni Dennise.

Pinag-usapan?may plano sila?

"Hahaha nagbago ang isip ko"
Natatawang sabi niya.

"Lalo na nang makita ko kayo dito!!!" Malakas na sigaw niya.

Our chaotic loveWhere stories live. Discover now