Chapter Six

47 40 5
                                    

Kinabukasan ay ramdam ko ang pananakit ng ulo at katawan ko.
Agad kong minulat ang mata ko at nakita ko ang lalaking nag-aalala sakin......Manuel.

"Ayos ka lang ba binibini?" Tanong niya habang nilagay niya yung palad niya sa noo ko.
"May sakit ka.....marahil nabasa ka ng ulan kahapon" Pag-aalala niya.

Umayos naman ako ng upo at tumingin sa kanya ng diretso.
"Ayos lang ako,umuwi na tayo.Nag-aalala na si Dennise panigurado" Sabi ko at akmang tatayo pero....nahilo ako.

Shet!

"Dyan ka lang,kukuha lang ako ng makapal na damit nang sa ganun ay hindi ka lamigin sa paglalakad"Ngumiti naman ako at tumango.

Ang swerte ni Dennise pagnagkataon hahaha.

Bumalik siya habang dala ang isang makapal na jacket.Inalalayan niya lang akong bumaba sa hagdan at sumunod na din siya.

May kinalikot siya don at agad na bumukas yung pintuan na puno.
"Tara na binibini" Sabi niya sabay lahad ng kamay sakin.
Nag-aalinlangan man ay agad ko yung tinanggap.

Dennise sorry,huhuhu hindi ko siya aagawin sayo.

Kasabay ng paglabas namin ay ang pagkatumba ni Manuel sa lupa.Nagulat akong tumingin kung sino ang may gawa nun.

Yung panget na mukhang aso.

Nakita ko naman yung pinampalo niya kay Manuel...ang kapal na kahoy.

Biglang natuon ang atensyon ko kay Manuel na biglang umubo.Nagulat ako dahil may dugong lumabas sa bibig niya.

Shit!!no!

Kahit masakit ang ulo ko ay lumapit ako don sa lalaki at sinipa siya,natumba siya pero agad ding nakabangon.

"Napabilib mo nanaman ako binibini" Nakangisi niyang sabi at lumapit sakin,napaatras naman ako dahil sa ginawa niya.

Akmang hahampasin niya din ako ng kahoy pero napigilan siya ni Manuel,pero nasuntok siya.

Manuel!

Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumabas sakin.
Nag-aalala ako sa kalagayan niya.

"Tigilan mo na ito Baldo,ako nalang at paalisin mo na siya" Diretsong sabi sa kanya ni Manuel kay Baldo na mukhang aso.

"Hindi mo ako utusan Manuel" Nakangisi nitong sabi,akmang hahampasin niya ulit si Manuel pero napasigaw ako dahilan para tumigil siya.

Our chaotic loveWhere stories live. Discover now